Nathalie Hart, mas pinili ang trabaho kaysa sa Lebanese boyfriend

ADVERTISING

Nathalie Hart, mas pinili ang trabaho kaysa sa Lebanese boyfriend

Nathalie Hart
Nathalie Hart

Pinatulan ni Nathalie Hart ang hamon ng boyfriend niyang Lebanese na maghiwalay na lang sila kapag nakipag-love scene siya kay JC de Vera sa pelikulang “Tisay” na entry sa Cinema One Originals festival.

“Naloka siya. Sabi ko, hindi, eh. Sa akin, ganito lang ‘yon, eh, if I don’t work, ano ’yung panggastos ko, ibibigay mo ba sa akin ‘yung panggastos ko?

“Okey lang sana kung bibigyan mo ako, eh. I mean, relationship naman tayo, eh, hindi naman ako random na babae lang, may love and care naman. Pero kung kunwari, sasabihin mo sa akin, ‘huwag kang magtrabaho,’ aba, tumigil ka. Tapos wala kang ibinibigay sa akin, aba ang kapal ng mukha mo,” dire-diretso niyang pahayag.

Hindi ba siya nanghinayang sa boyfriend na madatung?

ADVERTISING

“Well, ‘yung ex ko, he’s very well off naman kaya ayaw niya ako sigurong pagtrabahuhin, kasi he’s very conservative. Kaya lang, kung hindi mo naman ako pakakasalan tapos patitigilin mo ako sa trabaho, napakabata ko pa.

“Bakit ako magsasayang ng buhay ko. Eh, paano kung naghiwalay kami after two years, eh, ‘di saan ako pupunta, sa kangkungan? Wala naman akong ipon, ‘yung ipon ko puro palabas ngayon kasi maraming gastos. Dyusko day, huwag na lang!” katwiran pa niya.

Samantala, bukod sa love scenes ni Nathalie kay JC, meron din silang intense scene ni Joel Torre at do’n daw siya mas nahirapan.

“Nakape-pressure lang, kasi ‘pag kaharap mo na siya tapos his role is this crazy bipolar man, tapos biglang hahalikan ka, so parang ‘ha!’ Nu’ng time na ’yon, I just do it, wala na akong pakialam, eh. Nu’ng una, talagang na-intimidate ako, pero nu’ng mga sumunod naming eksena, okey na,” kuwento niya.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING