Nathalie Hart, ‘di nag-enjoy sa love scenes kina Allan Paule, Joem Bascon, at Luis Alandy

ADVERTISING

Nathalie Hart, ‘di nag-enjoy sa love scenes kina Allan Paule, Joem Bascon, at Luis Alandy

Nathalie Hart
Nathalie Hart

Tatlo ang ka-love scene ni Nathalie Hart sa launching movie niyang “Siphayo” na idinirek ni Joel Lamangan at prinodyus ng BG Productions International. May love scenes siya kina Allan Paule, Joem Basco, at Luis Alandy na mag-aama ang role sa pelikula. Kumbaga, tinuhog niya ang mag-aama, huh!

ADVERTISING

Ayon kay Nathalie nang makausap namin sa presscon ng Siphayo, pinakamatindi ang love scene niya with Joem Bascon.

“Ay, grabe. Sa maisan kami nag-love scene. Ang tindi ng ginawa niya sa akin. Hinahawan talaga niya ang katawan ko at nagkatusuk-tusok ako,” kuwento pa niya.

Aminado naman si Joem na dahil marubdob ang pagnanasa ng karakter niyang pino-portray kay Nathalie kaya talagang bigay-todo rin siya. Sinibasib daw talaga niya si Nathalie.

ADVERTISING

“Oo, parang ganu’n na nga, parang sinibasib ko si Nathalie, kasi ganu’n katindi ’yung nararamdaman ko sa kanya. Pero very passionate naman ‘yung love scene namin, hindi ko naman siya ni-rape,” natatawa niyang reaksyon.

Ayaw namang pumili ni Nathalie kung kanino sa love scenes niya kina Allan, Joem, at Luis siya mas nag-enjoy.

“Hindi naman ako nag-enjoy. Mag-i-enjoy ako kung gagawin ‘yon privately. Pero ‘yung ginawa naman namin ay trabaho lang, nothing  personal,” katuwiran pa ni Nathalie.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING