Nathalie Hart, 4 na buwang buntis!

ADVERTISING

Nathalie Hart,  4 na buwang buntis!

Nathalie Hart,  4 na buwang buntis!
Nathalie Hart

IPINAHAYAG ni Nathalie Hart sa isang group interview ng entertainment press na siya ay 4 months pregnant na to a baby girl courtesy of her Indian businessman boyfriend.

Ini-announce din ng sexy actress na by December ay ikakasal na sila ng kanyang boyfriend sa Australia.

“The whole time, nung nagsu-shoot ako ng Abay Babes, pregnant na ako non. Hindi lang ako nagsasalita. And then the whole time na nagte-taping ako for Blood Sisters at yung last shooting day namin ng Kusina Kings and yung movie namin ni Diether Ocampo, buntis na ako non.

“Walang nakakaalam na mga tao. Sinasabi ko, bakit ko ipapaalam? Ipapaalam ko na lang pag buo na. Kasi kung first two months pa lang puwede pang… ngayon four months na ako, I’m okey, I’m happy.

ADVERTISING

“Happy naman ako sa relationship ko, sa life ko, sa career ko, parang nagkasabay-sabay. It’s just overwhelming for me. Excited din akong magka-baby,” pagtatapat niya sa amin.

Ano’ng reaksyon niya nang malamang buntis siya?

“I cried nung una. Sabi ko, ‘My God, hindi ko akalaing mabubuntis ako. Kala ko hindi rin ako… ayaw mag-concieve kasi I had problems in my system before, in my cervix,” she said.

 

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING