Nash Aguas, sobrang kinabahan sa bed scene

ADVERTISING

Nash Aguas, sobrang kinabahan sa bed scene

Nash-AguasNAUNANG IPALABAS ang teleseryeng Bagito na pinagbibidahan ni Nash Aguas sa ABS-CBN na napapanood bago mag-TV Patrol kesa sa Dream Dad ni Zanjoe Marudo. Umere na ang Bagito nu’ng Lunes (Nov. 17), samantalang ang Dream Dad ay sa next Monday (Nov. 24) pa lang mapapanood after TV Patrol.
Biglaan ang pagpapalabas ng Bagito na hindi rin ini-expect ng Dreamscape Entertainment. Nagustuhan marahil ng ABS-CBN management ang maselang topic na tinatalakay ng Bagito about growing up at alam nilang kakagatin ito ng young viewers and their parents kaya isinalang nila ito kaagad.
Well, congratulations to Nash Aguas dahil finally, bida na siya sa isang teleserye and he really delivered bae sa first one week episode ng programa. Kumbaga, he is really perfect for the role of a 16-year-old boy na nagmamadaling magbinata.
Sa first one week ay wala pang masyadong eksena si Nash at ang ka-loveteam niyang si Alexa Ilacad. Ang medyo shocking, may bed scene si Nash with Ella Cruz na nagbida dati sa Aryana.
Ayon sa kuwento ni Ella, pareho silang kinabahan nang sobra si Nash bago kunan ang kanilang eksena. Gabi kinunan ang eksena, pero umaga pa lang daw ay hindi na makausap si Nash sa set ng Bagito dahil sa kaba. Ha-ha-ha!
First kiss din kasi ni Nash si Ella kaya siyempre, ‘di pa alam ng bagets kung paano magre-react, huh! Buti na lang daw, nakunan nang maayos ang eksena.
Punumpuno ng ituturong  good values ang Bagito and for us it is a must-see teleserye for young generation na karamihan ay nagiging pasaway sa kanilang parents.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING