Nash Aguas, magko-concentrate muna sa boy group na Gimme 5

ADVERTISING

Nash Aguas, magko-concentrate muna sa boy group na Gimme 5

Nash-AguasPAGKATAPOS NG Bagito na pinagbidahan nila ni Alexa Ilacad sa ABS-CBN, gusto muna raw mag-focus ni Nash Aguas sa boy group nilang Gimme 5. Miyembro ng grupong ito ang mga nakasama niyang teen actors sa Bagito na sina Joaquin Lucas Reyes, John Immanuel Bermundo, Grae Fernandez, at Brace Henry Arquiza.

ADVERTISING

“Kasi ‘yong album po namin, ini-release during Bagito. So, medyo naudlot ‘yong promo namin para rito,” aniya. “Ilu-launch na po namin ‘yong third single namin. ‘Yong Aking Prinsesa. So, abangan n’yo po.”

Singing na talaga ang priority niya as of now at secondary na lang ang acting? “Iyon nga po. Dahil sa grupo naming Gimme 5. Nagti-train po kami. Nagwu-workshop din po kami halos araw-araw, ganyan.”

Paano kung mgkaroon uli siya ng teleserye? “Iyon po, siyempre… kaya nating pagsabayin ‘yon kung ipipilit natin. Siyempre po, blessing ‘yon, e. ‘Di ba? So, hindi dapat pinalalagpas ‘yong gano’ng opportunity.”

ADVERTISING

May upcoming concert na rin ba ang grupo nilang Gimme 5? “Pinagpaplanuhan po. Nakakatakot pa po,” ang pagku-concert ang ibig niyang sabihin. “Pero… siguro abangan na lang po. More practice kami muna. Parang hindi pa po gano’n ka-concrete ‘yong plano tungkol sa pagkakaroon ng concert. Pero pinag-uusapan na po.”

Everyday na training. Ilang oras kada araw ang ginugugol ng grupo nila para rito? “Eight am to three pm po kada training namin na parang pumapasok ka rin sa school. Everyday po, nagha-harmony workshop kami.”

Kumusta naman sila ng naging leading lady niya sa Bagito at inili-link sa kanya na si Alexa Ilacad? “Ayos naman po,” tila na-concious pero nangiting sabi ng young actor.

Tuloy pa rin ba ‘yong magandang samahan nila? “Opo. Hindi naman po nawala, e.”

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

ADVERTISING