Nash Aguas at Alexa Ilacad, napalitan ang dapat na pagbibidahang serye

Nash Aguas at Alexa Ilacad, napalitan ang dapat na pagbibidahang serye

Nash-Aguas- Alexa-IlacadDAPAT SANA ay ang remake ng Inday Bote ang pagbibidahang serye ng magka-loveteam na sina Nash Aguas at Alexa Ilacad. Pero napalitan ito ng Bagito, na kaagad-agad ay umere na nitong Lunes, November 17.

Ang Bagito ay tungkol sa isang fourteen year old boy na ginagampanan ni Nash. Childhood swertheart niya ang character naman ni Alexa na nag-migrate sa Amerika pero kalaunan ay bumalik din sa Pilipinas.

Magkaka-crush si Nash sa character naman ni Ella Cruz na isang college student na. Itatakda ng pagkakataon na aksidenteng mabubuntis ni Nash si Ella.

“Sobra po akong natuwa kasi ipinagkatiwala po sa akin iyong title role na Bagito,”sabi ni Nash. “And at the same time, sobra po akong kinabahan dahil first time ko pong magbida sa teleserye.

“And the only way na maayos ito e, ayusin ko ang trabaho ko. So, inayos ko naman po.”

Napapanahon ang teleseryeng Bagito na dapat panoorin hindi lang ng mga kabataan kundi ng mga magulang din. Malaki ang maitutulong nito para ma-bridge ang generation gap ng mga teenagers at mga nakatatanda para mas madaling maintindihan ang isa’t isa.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan