Nasasagasaan kasi ang mga kasunod na show Willie Revillame, nagtampo sa memo ng TV5?!

ADVERTISING

Nasasagasaan kasi ang mga kasunod na show Willie Revillame, nagtampo sa memo ng TV5?!

Nasasagasaan kasi ang mga kasunod na show Willie Revillame, nagtampo sa memo ng TV5?!  PAGKATAPOS NI SHARON Cuneta, isa kina Piolo Pascual, Coco Martin, Jericho Rosales, Jake Cuenca, Derek Ramsay, Sam Milby at Gerald Anderson ang nakatakdang lumipat sa bakuran ng TV5. Feeling ng aktor, napapabayaan na siya ng kanyang mother studio bukod pa sa hindi naaalagaan at kulang ang kanyang publisidad.

Sabi ng aming impormante, tatapusin lang nito ang kanyang napirmahang kontrata sa Dos at pagkatapos noon ay fly na ito sa bakuran ni Manny Pangilinan.

Samantala, mariing itinanggi ng kampo ni Sharon Cuneta na bilyon ang usapin sa ginawang paglipat ng Megastar sa Kapatid Network. Hindi raw usapin ang pera sa naging hakbang ng aktres.

“Kung pera lang, marami na niyan si Sharon, nagkataon lang siguro na mas maganda ang offer sa kanya ng TV5, pero non-exclusive naman siya kung sakali,” sabi sa amin ng aming source na malapit kay Tita Shawie.

ADVERTISING

Next year, mapapanood ang bonggang programa ni Sharon sa Singko na ngayon pa lang ay dapat na raw paghandaan ng Dos at Channel 7, dahil sobrang bongga nito at gagastusan nang todo ng TV5.

“Siyempre, Megastar ‘yan, ‘no?! Tsaka hindi naman siguro pipirma ng kontrata ang Megastar kung cheapy-cheapy lang ang project niya,” dugtong pa ng aming kausap.

Kahapon inaasahan ang close-door meeting (and contract-signing) ni Sharon sa mga big boss ng TV5. At sa mga sandaling ito, wala pa kaming nakukuhang impormasyon kung natuloy ang nasabing event. Tsuk!

 

SINABI NI GABBY Concepcion na hindi siya magpa-Pasko sa Pilipinas dahil gusto niyang makasama ang kanyang mag-ina sa Amerika.

“I think, second week of December, alis na ako. Kasi ang balak ko, du’n ako mag-Christmas sa States. Kasi siyempre, nandu’n ang family ko. Tsaka yearly ko namang ginagawa ‘yun,” pahayag ni Gabby nang makausap namin kamakailan.

Ayon kay Gabby, malamang ay maaga silang mag-celebrate ni KC Concepcion ng Pasko dahil pareho silang busy sa kani-kaniyang propesyon.

“Naiintindihan ko naman ang kalagayan ng anak ko, at the same time, naiintindihan din niya ako. Kaya siguro, ‘yung Pasko naming mag-ama, maa-advance na,” tumatawang sabi pa sa amin ng aktor.

Sa kabilang banda, sobrang saya ni Gabby dahil ang pelikulang Yesterday Today and Tomorrow nila ni Maricel Soriano ay nakatakdang maging kalahok sa nalalapit na Metro Manila Film Festival.

“‘Yun lang, masaya na ako kaya sobra-sobrang gift na iyon para sa akin this Christmas,” pagwawakas ng aktor sa Pinoy Parazzi.

 

MARAMI ANG NAGTATANONG sa amin kung bakit nawala nang ilang araw si Willie Revillame sa kanyang programang Wil Time Bigtime. May nagsasabi sa amin na posibleng hindi raw nagustuhan ng host ang memo na ibinaba ng TV5, kung saan ay sinasabing maging sensitibo ito sa oras. Masyado raw kasing “nasasagasaan” ng Wil Time Bigtime” ang iba pang programa ng Kapatid Network.

Kung matatandaan, unang “naapakan” ng programa ni Willie ang Babaeng Hampaslupa nina Alex Gonzaga, Alice Dixson at Susan Roces. Tapos ang sumunod ay ang Sa Ngalan ng Ina ni Nora Aunor na lubhang napakaganda sana, kaya lang ay masyadong late nang naie-ere kung kaya’t hindi na ito napanood pa ang mga fans ng Superstar.

At ngayon ay ang Glamorosa nina Lorna Tolentino,Tonton Gu-tierrez at Alice Dixson na napakaganda. Pero dahil laging overtime ang programa ni Willie, hindi na rin ito napapanood ng mga tao sa tamang oras.

Marami ang natutulungan ng programa ni Kuya Willie, lalo na ‘yung mga kababayan nating kapus-palad. Pero sana, dapat ding isaalang-alang ng nasabing programa ang iba pang show ng Channel 5.

“Sobra kasing haba ng Wil Time Bigtime. Paano naman ‘yung ibang show? ‘Di ba ginastusan din iyon? Sayang naman kung hindi mapapanood,” sabi ng isang artistang nakausap namin. Tsuk!

 

More Luck
by Morly Alinio

ADVERTISING