Napuno na si Ate Cristine Reyes, idinemanda na ni Ara Mina!

ADVERTISING

Napuno na si Ate Cristine Reyes, idinemanda na ni Ara Mina!

Napuno na si Ate Cristine Reyes, idinemanda na ni Ara Mina!HINDI MAGANDA itong nangyari kina Ara Mina at Cristine Reyes na uma-bot na sa demandahan ang away nila, ha?!

Kasong Libel at Grave Coercion ang isinampa ni Ara na kaso laban kay Cristine na ikinagulat ng lahat dahil wala itong sinabihan kahit ang Mommy nila.

Parehong nasa Viva ang magkapatid na ito at hindi nga raw ipinaalam ni Ara ito sa Viva dahil tiyak na pipigilan siya.

Pero punung-puno na raw si Ara kaya naisipan niyang idemanda ang sariling kapatid para mabigyan daw ito ng leksyon.

ADVERTISING

Hindi na raw niya kinaya ang mga paninira na itini-text ni Cristine sa kanya at pati raw sa mga kaibigan nila ay sinisiraan siya.

Wala nga raw siyang damages na hinihingi sa demandang ‘yun. Ang gusto lang daw niya ay mabigyan ng leksyon itong kapatid niya.

Kaya lang hindi naman yata magandang pagbibigay ng leksyon dahil talagang nagkasiraan na kayo sa publiko.

Ang pangit pa ng pinanggalingan ng away nila dahil lang sa pera.

Ang kuwento, sinisingil daw ni Cristine si Ara ng isang milyong ibinayad sa bahay na binili nila para sa kanilang Mommy.

Nakapangalan daw kay Ara ang bahay na ikinagalit daw ni Cristine dahil siya naman daw ang nagbigay ng downpayment na isang milyon, pero si Ara ang nagbayad paunti-unti ng balanse.

Since na kay Ara nakapangalan, sinisingil daw ito ni Cristine na hindi naman binabayaran ni Ara.

Lalo pa raw itong nagalit nang nalaman niyang bumili ng bagong kotse si Ara, kaya kinukuha na lang daw niya ang kotse na ayaw namang ibigay ng ate.

Doon nagsimula ang kanilang away na lagi raw tini-text ni Cristine si Ara ng kung anu-anong paninira.

Pati raw ang kaibigan ni Ara na si Mayor Patrick Meneses ay nati-text daw ni Cristine ng mga paninira laban sa ate niya.

Hindi yata maganda, kasi lumalabas na anong klaseng magkakapatid itong dalawa.

Pera ang pinag-awayan na sa totoo lang, maganda naman ang career ngayon ni Cristine, at ang laki nang kinikita niya, ano ba naman itong isang milyon na sinisi-ngil niya na puwede naman niyang ibigay na lang o maghintay na lang kung kailan makakabayad si Ara.

‘Di ba blessings naman ‘yun? Dapat i-share na lang ni Cristine ‘yun dahil ano ba naman ‘yang isang milyon sa laki nang kinikita niya ngayon?

Ang hindi maganda diyan, magkapatid naman sila, maaayos naman sila, pero nagkasiraan na sa publiko. Parang ‘di ko type ‘yang mga pinaggagagawa nila!

Hay, naku! Panoorin n’yo na lang sa Startalk bukas ang interview kay Ara at kung ano ang masasabi rito ng Mommy Klenk nila! ‘Yun na!

Napuno na si Ate Cristine Reyes, idinemanda na ni Ara Mina!

PARANG HINDI yata tamang magtatalu-talo na naman ngayon ang mga fans nina Nora Aunor at Vilma Santos kung sino ang nararapat na National Artist.

‘Di ba dapat, bago sila mag-National Artist, si Mang Dolphy muna?

Matagal na ‘yan dapat na ibigay kay Mang Dolphy, bakit wala pa rin? Pagkatapos ngayon meron nang Nora Aunor at Vilma Santos na nila-lobby para sa National Artist?

Wala namang masama kung ibibigay ito sa dalawa, kung si Nora muna o si Vilma rin. Pero sana ibigay muna kay Mang Dolphy dahil siya talaga ang karapat-dapat sa ngayon.

Huwag na munang makigulo ang mga Noranians at Vilmanians dahil ibigay muna natin ito sa Comedy King.

Maganda namang tingnan na si Mang Dolphy mismo ang tatanggap, ‘di ba?

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING