NAPILI NA! Sanya Lopez, kapalit ni Marian Rivera sa ‘First Yaya’

ADVERTISING

NAPILI na ang bagong bida ng ‘First Yaya‘ ng GMA-7. ‘Yan ay walang iba kundi ang fast-rising Kapuso leading lady na si Sanya Lopez!

Tuloy na tuloy pa rin ang ‘First Yaya’ na supposedly ay comeback project ni Marian Rivera sa primetime slot ng Kapuso Network. Ito dapat ang kauna-unahang pagkakataon na magtatambal sila ni Gabby Concepcion, na matagal nang gustong makatrabaho ang Primetime Queen. Kasado na dapat ang proyekto. Sa katunayan, nakapag-shoot na ng teaser plug si Marian with Gabby para sa political romance-comedy series na ito.

ADVERTISING
NAPILI NA! Sanya Lopez, kapalit ni Marian Rivera sa 'First Yaya'
Sanya Lopez is the new First Yaya!

Dahil sa banta ng COVID-19, napagdesisyunan ni Marian Rivera na magbackout na lamang sa proyekto dahil para sa aktres, mas importante ang kanyang papel bilang ina sa kanyang dalawang supling na sina Zia at Ziggy. Mahirap nga naman kung mala-lockdown taping ito for two weeks at kailangan pang mag-quarantine ulit bago makapiling at mayakap ang kanyang pamilya.

Marian’s loss is another talented Kapuso actress’ gain at ang mapalad na napili ay si Sanya Lopez. Kaya naman pala out na ito sa supposed project nila ni Ruru Madrid na ‘Lolong’ (si Shaira Diaz naman ang pumalit sa leading lady role). ‘Yun pala, may mas malaking role na ang nakalaan para sa kanya.

Pormal nang ipinakilala si Sanya Lopez bilang bagong Yaya Melody o First Yaya sa pamamagitan ng 24 Oras ngayong gabi, October 12. Masaya ang dalaga dahil kahit na marami na itong nagawang teleserye sa GMA, ito ang kauna-unahang pagkakataon na title role siya sa isang primetime series.

ADVERTISING
NAPILI NA! Sanya Lopez, kapalit ni Marian Rivera sa 'First Yaya'
Sanya Lopez

Interesting din na mapanood si Sanya bilang Yaya Melody ng First Yaya dahil ito rin ang first romance-comedy project niya. Sa Encantadia kung saan siya gumanap na Sang’gre Danaya ay action-drama ang genre. Palagi naman siyang umiiyak sa mga naging teleserye niya tulad ng Haplos, Cain At Abel at Dahil sa Pag-Ibig. Nagbida rin ito sa sexy-drama romance film ng Regal Entertainment noong 2018 na ‘Wild and Free’ na mapapanood na sa Netflix.

Marami ang nagsasabi na si Sanya Lopez ang isa sa mga Kapuso homegrown talents na puwedeng sumunod sa yapak ni Marian Rivera bilang Teleserye Queen. Ito na nga ba ang first step para kay Sanya? We wish you all the luck, girl!

ADVERTISING