Napag-uusapan na ang kasal
Zanjoe Marudo, seryoso kay Bea Alonzo!

ADVERTISING

<b>Napag-uusapan na ang kasal</b><br> Zanjoe Marudo, seryoso kay Bea Alonzo!

<b>Napag-uusapan na ang kasal</b><br> Zanjoe Marudo, seryoso kay Bea Alonzo!NAKAKATUWA SINA Bea Alonzo at Zanjoe Marudo. Sa kabila kasi ng mga isyu ng hiwalayan sa apat na sulok ng showbiz ngayon ay nanatili pa rin silang matibay at in-love sa isa’t isa.

Sabi nga ni Zanjoe sa The Buzz ay si Bea na ang babaeng nakikita niyang ihaharap sa altar. According to reports, Zanjoe is already saving money and plans to ask Bea to marry him after five years. Ikinatuwa siyempre ni Bea ang balitang ito. Sino ba naman ang hindi kikiligin kapag nalaman mong ikaw ang pinapangarap makasama habambuhay ng taong mahal mo? Sabi nga ni Bea, “Natutuwa naman ako kasi mas gusto ko naman iyong seryoso siya kaysa iyong nakikipaglaro lang siya sa akin, ‘di ba? Malay natin in five years sana nga siya na pero marami pang pwedeng mangyari in five years.”

“Siguro in five, six years. Sa akin, iyon ang ideal pero just like what I’ve said, ‘di natin alam iyong mangyayari sa aming dalawa. Ngayon, it’s a work in progress. Ang relationship naman hindi lang basta nagustuhan mo siya, minahal mo siya, iyon na iyon,” dagdag pa niya.

Realistically speaking, matagal na panahon ang limang taon at marami pang puwedeng mangyari sa hinaharap. But if Bea and Zanjoe want to have a happy ending, they need to work hard in their relationship. Sa ngayon, they have a bright career ahead of them at ang mahalaga ay masaya sila kapag magkasama at nagbibigay ng inspirasyon sa bawat isa.

ADVERTISING

Inamin naman ni Bea na napag-uusapan na nila ni Zanjoe ang tungkol sa kasal pero maaga pa para kumpirmahin ito. Pero wala namang masama kung mapag-usapan nila ito, ‘di ba?

Parehong abala sina Bea at Zanjoe sa kanilang career pero kahit hindi sila madalas magkita ngayon ay nakatutulong nang malaki ang mga phone calls para magkaroon sila ng constant communication at patuloy na mapaglapit ang mga puso nilang napaglalayo ng distansiya.

Ano ba ang sikreto kung bakit lalong tumatatag ang kanilang relasyon? “Trust. May tiwala kami sa isa’t isa, saka kaming dalawa mas parang mag-bestfriend kami. We tell each other everything. Nag-aaway rin kami lagi, nagiging sweet din kami lagi. Nothing abnormal about it. It’s just a typical relationship na para sa amin [ay] very special, kasi kami iyong very special,” paliwanag ni Bea.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

ADVERTISING