NAPAG-IIWANAN NA NG IBA: #Hashtag Nikko Natividad, todo kayod!

ADVERTISING

NAPAG-IIWANAN NA NG IBA: #Hashtag Nikko Natividad, todo kayod!

NAPAG-IIWANAN NA NG IBA: #Hashtag Nikko Natividad, todo kayod!
NIKKO NATIVIDAD

NAKAKATUWA isiipin na ang kasipagan ni #Hashtag Nikko Natividad ay nagkakabunga na.

 
Hindi na lang pasayaw-sayaw with the #Hashtags ang ginagawa ni Nikko ngayon mula nang mapanood siya sa It’s Showtime na noon time show ng Kapailya Network kundi maging sa umaga na pagising mo, kung tutok ka sa ABS-CBN at kasama mo sa almusal ang magazine show na “Umagang kay Ganda”,  magigising ka ng husto habang nagkakape at sasabayan mo ng pagiging energetic ni Nikko sa kanyang pagho-host sa isang segment ng UKG.
 
Bilib ako sa sipag ni Nikko na ang aga magising sa umaga para makarating sa lokasyon ng kanyang assignment.
 
Ang nakakaloka pa, hindi sa studio ng UKG sa ELJ Bldg. lang ang  tungo ni Nikko kundi sa mga out of town coverage ang kanyang mga interviews.
 
Kaya nga nang malaman namin na kasama siya sa bagong comedy film ni Direk Joel Lamangan na bida si Ai Ai delas Alas (he plays the son of the comedienne), nagtataka ako kung papaano na niya naaayos ang kanyang schedules.
 
Sa umaga, UKG. Sa Tangahali ay ang noontime show kung saan tuloy pa rin ang pagsasayaw niya with his group and after the show ay may mga out of town raket pa siya to fulfill.
 
NAPAG-IIWANAN NA NG IBA: #Hashtag Nikko Natividad, todo kayod!
Nikko Natividad, Ai Ai Delas Alas and Zsa Zsa Padilla

Hindi man bida sa mga projects na kanyang nasasalihan, happy na si Nikko.

      
“Tulad nitong Bes and the Beshies na movie ko kay Direk Joel (Lamangan); si Nanay Jobert (Sucaldito) ang nagpakilala sa akin kay Direk,” kuwento niya.
 
Masaya si Nikko dahil maganda ang role niya sa movie. “Noong una, kabado ako. Nasigawan nga po ako ni Direk Joel pero naintindihan ko naman kung gaano kahirap ang ginagawa niya.
 
“Yong scene na dapat maiiyak ako dahil sa saya, nahirapan ako gawin. Pero later on, nagawa ko naman. Ok nga po si Direk Joel dahil imo-motivate ka niya. Mahirap din kasi ipakita yong tears of joy. Kung iyak lang na dahil malungkot ka, mas madali ko gawin,” kuwento  ni Nikko.           
 
Showing na sa October 18 ang happy and laugh trip movie ni Nikko na pinagbibidahan ng “Nanay Ai Ai” niya together with Zsa Zsa Padilla, Carmi Martin at Beauty Gonzales.

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING