Nanloob sa bahay ni Xian Lim hindi na nahuli; aktor sasabak sa game show hosting

Leo Bukas

HINDI NA nahuli ng mga awtoridad ang mga nanloob at nagnakaw sa bahay ng aktor na si Xian Lim noong January 2021. Ito ay ayon mismo kay Xian nang humarap siya sa virtual presscon ng TV5 para sa game show na 1000 Heartbeats Pintig Pinoy kung saan siya rin maghu-host.

“Ganu’n yung proseso, I guess you just file na ganito ‘yung nangyari, ganu’n na lang. Wala, eh. You can’t take it further na parang ano bang next steps, wala na.

Nanloob sa bahay ni Xian Lim hindi na nahuli; aktor sasabak sa game show hosting
Xian Lim

“Parang magpapagod ka ba para hanapin yung mga tao na medyo mahirap na hanapin? So yun, I think it’s a matter of not letting it happen again on my part,” lahad ni Xipahayag ni Xi sa Zoom presscon para sa kanyang upcoming game an.

Nagbigay din siya ng reaksyon sa sinasabi ng iba na baka ang pagba-vlog niya feauturing his own house na napanood sa YouTube ang dahilan kung bakit natiktikan siya ng mga kawatan.

“Hindi puwedeng mabaling ang kasalanan doon sa victim, eh, di ba? Ang puno’t dulo niyan is hindi tamang magnakaw. So, I think vloggers are gonna do what vloggers have to do. So, hindi siya mali para sa akin.

“I don’t think dapat mag-hold back ang isang creative na tao kung gusto nilang ipakita yung bahay nila,” deklara pa niya.

First time ni Xian na magho-host  ng isang game show at aminado ang aktor na kabado siya. Iba raw ang game show hosting kumpara sa karaniwan niyang ginagawa bilang beauty pageant host.