NANLOKO KAY JOED SERRANO, NA-INSTANT KARMA

ADVERTISING

NANLOKO KAY JOED SERRANO, NA-INSTANT KARMA

NANLOKO KAY JOED SERRANO, NA-INSTANT KARMA
Joed Serrano

GUSTO ko lang bigyan ng pansin ang encounter ng kaibigang Joed Serrano sa isang kaluluwa na gusto siyang isahan.

Last week (Thursday, May 24) may karanasan ang kaibigang Joed sa isang “Best Aktor” na biktima sa kasabihan na mabilis bumalik ang karma.

Sa kanyang Facebook post, sinulat ng dating aktor na ngayon ay show and concert producer ang tungkol sa kanyang karanasan.

“Nagpark ako at may binibili sa isang store but they told me to comeback ire-ready pa nila after an hour.

ADVERTISING

“So umatras na kotse ko then bigla may taong sumulpot sa harap ko at tinabig nya harapan ng kotse ko. Kala nya masasagasaan ko cya but i know di ko cya nasaktan.

“Galit yung mukha nya till i opened my window & asked him if hes ok. Ayun narecognize nya ako at bigla bigla umaray aray(smiley) as in change of facial expression from galit to super sakit kuno. Natawa ako at sabi ko ” Kuya gusto nyo po ba dalhin ko kayo sa ospital?” Lalung umungol sa sakit at tlgang pang URIAN at FAMAS yung acting. Till he said cya nlang daw at bigyan ko nlang daw cya.

“I gave him 1K (thousand). Madami nakakita. Then paika-ika pa cya nung umalis,” pagsasalaysay niya sa kanyang FB posting.

Pagpapatuloy ni Joed:” After 2 hours binalikan ko yung store to get my stuff. Sabi nung tindera. ” Sir alam nyo yung nanloko sa inyo kanina bigla humaripas ng takbo pag-alis nyo kaso ayun na HIT & RUN kanina dyan.”

Dagdag pa ni Joed sa karanasan: “Tsk tsk tsk. Oh well. Be fair. Be good. Be honest coz u’l never know when or gaano kabilis dumapo si Carma??? Godmorning.”

Yun na!

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING