Nanliligaw na kay Sarah Geronimo Gerald Anderson, nakikipag-date pa sa ibang girl?!

Nanliligaw na kay Sarah Geronimo Gerald Anderson, nakikipag-date pa sa ibang girl?!

Nanliligaw na kay Sarah Geronimo Gerald Anderson, nakikipag-date pa sa ibang girl?!

ANO KAYA ang galit nitong si Mo Twister kay Albie Casiño?

Nakikisawsaw kasi siya sa issue ni Albie  at ginagamit pa si Raymart Santiago.

“Sana Raymart just beat up Albie Casiño instead of that barkada of born again Christian celeb/political kids. That I would high-five him for,” tweet ni Mo.

Nakakaloka itong si Mo, ‘no? Ang hilig makisawsaw sa kontrobersiya. At parang galit na galit siya kay Albie para sabihin ang ganoon. Ano kaya ang kasalanan ng binata sa kanya?

Could it be na-insecure lang si Mo dahil mas guwapo sa kanya si Albie?

Anyway, ang balita pa rin na aming nakalap tungkol kay Mo ay ang pagbatikos  sa US-based radio DJ nang kanyang i-post sa Twitter na na-grant ng Make A wish Foundation ang hiling ng anak niyang makita ang cast ng Harry Potter.

“Thrilled to hear The Make A Wish Foundation has granted my daughter her wish. She’d going to get to meet Harry Potter cast. Thank you :..),” tweet ni Mo.

Nadismaya ang isang follower ng binata pagkatapos mag-post ni Mo at kaagad nitong tinarayan ang taklesang TV and radio host.

“Use your own money to grant your kids wish, not peoples donation – meant for people with no means,” tweet ni sundayboobee.

This was followed by another rant against mo.

“There r lots of kids in poverty in america with med condition, with parents tht cant afford 2 grant kids wish, dont tk thr spot”.

 

NAG-REACT KAAGAD si Andi Eigenmann sa sinabi ni Mrs. Rina Casiño na may panahong sinasaktan siya ng kanyang inang si Jaclyn Jose.

Sa pagkaimbiyerna siguro ng madir ni Albie Casiño sa alegasyon ni Andi na siya ay sinasaktan ng young actor ay gumanti na rin ito at sinabing sinasaktan ni Jaclyn si Andi kapag lasing ito. Ito nga raw ang dahilan kung bakit inila-lock ni Andi ang pintuan ng kanyang kuwarto.

Sabi pa ng mother ni Albie, noon ay hindi sila nagsasalita, pi-nababayaan lamang nila ang kampo ni Andi, pero ngayon ay sobra na raw ang mga ito kaya napilitan na siyang magsalita. Tinawag pa niyang sinungaling ang aktres.

Obviously, kung hindi napanood ni Andi ang pahayag ni Mrs. Casiño sa TV ay may nagsabi naman sa kanya nito kaya naman sinagot niya ito, hindi sa pamamagitan ng interview kundi isang message sa kanyang Twitter account.

“I know it doesnt matter, because its up to the viewers to decide. But for the record, my mom never hurt me. NEVER,” tweet ni Andi.

Nanliligaw na kay Sarah Geronimo Gerald Anderson, nakikipag-date pa sa ibang girl?!

TRUE BA na nakipag-date itong si Gerald Anderson sa isang non-showbiz girl while out of town?

Ano kaya ang magiging reaction ni Sarah sa lumabas sa isang website blog kung saan si Gerald ay nakunan ng photo na nakiki-pagsayaw sa isang magandang babae? Sinasabing ka-date niya ang babae noong gabing iyon.

Ang alam namin ay girlfriend na ni Gerald Anderson itong si Sarah Geronimo pero hindi pa lang sila umaamin.

Very vocal si Gerald sa pagsasabing nililigawan pa lang niya si Sarah.

Naku, hindi kaya maloka si Sarah kapag nalaman niyang nakikipag-date si Gerald bukod sa kanya? Romantic date lang kaya iyon o friendly date?
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas