Nang pumutok ang sex video scandal nila ni Chito Miranda
Neri Naig, 2 linggong nagkulong sa kuwarto

ADVERTISING

<i>Nang pumutok ang sex video scandal nila ni Chito Miranda</i><br>Neri Naig, 2 linggong nagkulong sa kuwarto

<i>Nang pumutok ang sex video scandal nila ni Chito Miranda</i><br>Neri Naig, 2 linggong nagkulong sa kuwartoMAGMULA NANG sumabog ang mainit na isyu ng kumalat na video sex scandal nina Chito Miranda at Neri Naig, tanging si Chito lamang ang napapanood at nababasa ng publiko upang magbigay ng kanyang mga pahayag.

Sa pagkalat ng nasabing viral sex video, si Chito ang humaharap sa media, at talaga namang pinagpi-piyestahan ito ng lahat.

Umabot pa nga sa NBI si Chito sa pag-file ng kaso upang ma-trace ang taong nagpakalat nito.

Sa lahat ng panahong ito, nanahimik ang babaeng sangkot sa iskandalo – si Neri Naig.

ADVERTISING

Hanggang sa dumating na ang takdang panahon, para kay Neri, na magsalita. Binasag na niya ang kanyang katahimikan.

Kasagsagan ng isyu a couple of weeks ago, tinext na namin ang talent manager ni Neri na si Manny Valera ng DMV Entertainment (who also manages the careers of Alessandra de Rossi, Jean Garcia, Polo Ravales, Roxanne Guinoo, etc.)

Pero ayon kay Direk Manny, “cannot be reached” ang kanyang kontrobersiyal na alaga, na kahit management company na ni Neri ay hirap silang kontakin ang aktres.

Hanggang sa kahapon (August 18), sa pamamagitan ng text message na ipinadala ng handler ni Neri na si Beth delos Reyes, may OFFICIAL STATEMENT nang nais iparating si Neri sa publiko.

Narito po ang opisyal na pahayag ni Neri Naig tungkol sa sex scandal nila ni Chito Miranda, in full:

“As soon as I found out that our video went viral, I sent a message to my family agad and for two weeks, nagkulong lang ako sa room ko and just wanted to disappear.

“I didn’t want to see or talk or hear from anyone.

“A few days ago, I finally decided to start reading the messages from my family, friends, acquaintances, and even from random people who didn’t know me personally.

“Grabeng pagmamahal ‘yung pinaramdam nila sa akin.

“Chito then asked me to watch some footages online.

“The first one he showed me was from ‘The Buzz’, and Tito Boy’s comment made me want to hug him agad. What he did and said about us, helped me a lot.

“Then, I saw what ‘Inside Showbiz Report’ did.  Pinakita nila kami bilang isang normal na couple na nagmamahalan.

“I also saw what they showed on ‘Startalk’, and read an article from GMA 7, and what they said was fair and unbiased at naging malaking tulong para makawala ng pain kahit paano. Maraming salamat po.

“Nu’ng naabutan ng TV5, GMA, at ABS-CBN si Chito sa pangalawang araw niya sa NBI, nirespeto nila ‘yung pakiusap ni Chito na ‘wag gawing big deal ‘yung pagpunta niya doon and they responsibly reported everything as it is.

“Gusto ko ring magpasalamat kay Mr. John Consulta sa concern na ipinakita niya.

“Maraming salamat rin po kay Mr. Kathleen Dy ng Universal Records, napakalaki po ng tulong niyo po sa amin ni Chito.

“Sa DMV (Direk Manny Valera) Management, salamat po sa pag-unawa at pag-alalay sa akin.

“Sa NBI po, salamat po at kahit di pa man kami lumalapait sa inyo, inaaksiyunan niyo na po agad ang kaso.

“Kung puwede lang po talagang yakapin lahat ng tao na umalalay, nagpakita ng pagmamahal at suporta sa amin ni Chito…

“Maraming-maraming salamat po.

“I am not yet OK, but I’m getting there,” pagtatapos ni Neri Naig sa kanyang official statement.

Mellow Thoughts
by Mell Navarro

ADVERTISING