Nang Matinik si Ruffa!

ADVERTISING

NABUNUTAN NA RAW ng tinik si Ruffa Gutierrez matapos na matuldukan ang issue sa kanila ni Kris Aquino nang magkita ang dalawa sa bar ni Tim Yap. Nagbatian na nga ang dalawang nagkaroon noon ng ‘di pagkakaunawaan sa programang The Buzz, kung saan nag-walk out si Ruffing dahil sa mga pinakawalang banat ni Tetay sa pag-alis ng TV-host actress sa nabanggit na show. Wala nang problema between her and Kris kaya peace, peace, peace at love, love, love na sila!

Teka, parang ‘di pa rin lubos na nabunutan ng tinik si Ruffing dahil nariyan pa ang PINAKAMALAKING TINIK sa kanyang lalamunan na si Shaina Magdayao. Pumutok ang balita na tumawag sa kanya ang dyowa ni Lloydie nang dis-oras ng gabi. Naman, tulog na ang mga tao tapos mambubulahaw pa ang Shaina? Buti na lang daw at hindi ito sinagot ng lola n’yo dahil kasalukuyang katabi ang kanyang dalawang junakis. ‘Yun na.

ADVERTISING

Photos by: Mark Atienza, Luz Candaba, Fernan Sucalit & Parazzi Wires

By MK Caguingin

Nang Matinik si Ruffa!Parazzi Chikka
Parazzi News Service

ADVERTISING
ADVERTISING