Nang malamang bagsak sa ratings ang serye ni Nora Aunor Sharon Cuneta, ayaw nang lumipat sa TV5?!

ADVERTISING

Nang malamang bagsak sa ratings ang serye ni Nora Aunor Sharon Cuneta, ayaw nang lumipat sa TV5?!

Nang malamang bagsak sa ratings ang serye ni Nora Aunor Sharon Cuneta, ayaw nang lumipat sa TV5?!HABANG NASA ABROAD si Sharon Cuneta for a series of shows, mabilis na kumalat ang balitang may plano na raw itong  lumipat sa TV5. Nang malaman ng Megastar na may ganu’ng issue sa kanya, agad niyang nilinaw ang balita. Wala raw katotohanang lilipat na siya ng ibang istasyon dahil happy raw siya sa mga project na ibinibigay sa kanya ng Kapamilya Network. Walang nakikitang dahilan ang singer-actress para mag-ober da bakod.

May nagsasabing desidido raw talaga si Sharon na lisanin ang ABS-CBN dahil napag-alaman nitong mas mababa raw ang talent fee niya compared sa ibang artista ng Kapamilya Network. Mababaw na dahilan para sa ganoong pangyayari iwanan niya ang nasabing istasyon. Knowing Megastar, hindi sinusukat ng pera lang ang friendship mayroon sila nina Mr. Gabby Lopez at Ms. Charo Santos.

May tsika pa nga nang malaman raw ni Sharon na bagsak ang rating ng teleserye ni Ms. Nora Aunor sa TV5, agad daw nagbago ang isip nito na manatili na lang sa bakuran ng Dos. Bonggacious ang TF, pero wala namang nanonood ng iyong show. Natural lamang na du’n tayo sa pinanonood ng publiko.

 

ADVERTISING

HANGGANG NGAYON MAIINIT pa ring pinag-uusapan ang pelikulang No Other Woman nina Cristine Reyes, Anne Curtis at Derek Ramsay. Nakaka- 250 million na ito sa takilya at patuloy pa ring pinipilahan sa mga sinehan. Natalbugan na raw ni Direk Ruel Bayani ang box-office director na si Cathy Garcia-Molina sa kinita nito sa takilya.

Naging bukambibig nga-yon ng masang Pinoy ang mga dialogue nina Cristine at Anne. Lalo na ang mga bading na mahilig sa Tagalog films. Emote to the hightest level ang eksena nila sa mga comedy bars. Mas magaling umarte si Anne kaysa kay Cristine. Maging sa love scene nina Derek at Anne, mas passionate ang sa kanila, bigay na bigay. Mararamdaman mong very much in love talaga si Anne sa asawa ni Cristine na si Derek Ramsay.

Box-Office King na ngayon ang tawag kay Derek ng media dahil sa success ng kani-lang pelikula under Star Cinema. Super happy ang hunk actor tuwing nakakarinig siya ng papuri sa kapwa niya artista sa performance na ipinakita niya sa pelikula. Deserving raw na manalo si Derek at Anne for Best Actor at Best Actress for next year sa iba’t ibang award-giving bodies. Si Cristine naman for Best Supporting Actress.

Natalbugan na raw ni Derek si John Lloyd Cruz sa pagiging Box-Office King. Ilang taon din namang hawak ni Lloydie ang title. Pero teka, may pelikulang ipalalabas sa taong ito sina John Lloyd Cruz at Angel Locsin. Nagsyu-shooting sila ngayon with Direk Cathy Garcia-Molina. Hindi pa tayo nakakasiguro kung si Derek na nga ngayon  ang  tatanghaling Box-Of

fice King sa taong ito. Huwag munang makasiguro, ibang klase ang magic touch ni Direk Cathy pagdating sa pulso ng masang Pinoy.

 

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING