Nanay ni Daniel na si Karla bagsak sa audition ng The Voice

ADVERTISING

Nanay ni Daniel na si Karla bagsak sa audition ng The Voice

Daniel-Padilla-Karla-EstradaSUMALI PALA ang nanay ni Daniel Padilla na si Karla Estrada sa season 2 ng The Voice of the Philippines. Kaya lang hindi siya inikutan ng chair ng kahit isa sa apat na coaches na binubuo nina Sarah Geronimo, Appl de Ap, Bamboo at Lea Salonga.

Magkaganu’n man, walang regret si Karla sa pagsali niya sa The Voice. Gusto lang daw talaga niyang i-challenge ang sarili niya kaya niya ito ginawa.

After Karla’s blind audition at nang humarap na ang apat na The Voice coaches, na-shock sina Lea at Sarah nang makita kung kaninong boses ang kanilang narinig.

Dating kasamahan ni Lea si Karla noon sa programang That’s Entertainment ni German Moreno. They are now equally famous — Lea, being the Broadway Diva at si Karla naman being the mother of the Teen King Daniel Padilla.

ADVERTISING

Nagsimula na ang airing ng The Voice last Sunday and in fairness, magagaling na singers agad ang sumabak sa first batch ng blind audition. Nagtataka lang kami kung bakit biglang umere agad ang The Voice sa timeslot na dating para sa I Do tuwing Linggo. Ano kaya ang nangyari?

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING