NAMBABAE! Robin Padilla kinumpirmang third party ang dahilan ng hiwalayang Kylie Padilla at Aljur Abrenica

Leo Bukas

ANG AMA mismo ni Kylie na si Robin Padilla ang nagkumpirmang hiwalay na na ang anak at ang aktor na si Aljur Abrenica. Ginawa ni Robin ang pag-amin sa interview ni Ogie Diaz sa kanyang YouTube Channel na in-upload nitong July 7.

Ayon pa kay Robin, hindi naman daw naagrabyado si Kylie bsa paghihiwalay nila ni Aljur kahit pa babae ang kanyang anak.

NAMBABAE! Robin Padilla kinumpirmang third party ang dahilan ng hiwalayang Kylie Padilla at Aljur Abrenica
Kylie Padilla and Aljur Abrenica

Sa tanong ni Ogie kay Robin Robin kung paano nito hinarap ang isyung hiwalay na si Kylie kay Aljur, lalo na at babae ang sa kanya.

“Wala naman, walang sinasabi ang anak ko. Kasi, yon naman ang noon pa, palagi kong tinatanong si Kylie. ‘Agrabyado ka ba?’ Hindi naman daw. ‘Okey lang ako, Pa.’

“Nung tinanong ko siya ulit, ‘Anak, agrabyado ka ba?’ ‘Hindi, Pa. Ako ang nakipaghiwalay, eh,’” kuwento ni Robin.

Hindi rin daw niya tinangkang makialam sa kung anumang pinagdadaanan ng dalawa

Aniya, “Wala namang papel ang Tatay du’n. Hindi ka dapat makialam, away ng mag-asawa yan, eh. May mga anak pa. Siyempre, sa akin ang remembrance, eh, yung mga apo, nasa nanay.”

Mabuti na rin lang daw na walang sakitang pisikal na nangyari at hindi sinaktan ni Aljur si Kylie.

“Tinanong ko siya siyempre. Ang una kong tinanong sa kanya, ‘Sinaktan ka ba?’ Yon ang unang tanong siyempre. Do’n lang naman tayo papasok kapag nasaktan ang anak mo.

“Wala naman. Mabait din naman si Aljur,” sabi pa niya.

Pinagsabihan din ng aktor ang sina Kylie at Aljur na tigilan na ang palitan ng maaanghang na post sa social media.

“Minessage ko lang siya (Aljur), sabi ko, ‘Isa lang ang gusto ko, tumigil kayo sa social media. Nakakahiya yan — yung nag-aaway sila sa social media. Tumigil kayo riyan.

“Wala akong ano riyan… problema n’yo yan. Isipin n’yo ang mga anak niyo. Kasi, baduy na baduy ako sa… social media,” rason ni Robin.

NAMBABAE! Robin Padilla kinumpirmang third party ang dahilan ng hiwalayang Kylie Padilla at Aljur Abrenica
Robin Padilla

Patuloy pa niya, “Balang-araw makikita at makikita ng mga anak nila yan. Hindi maganda yon. Kasi para sa akin ha, ang dalawang mag-asawa na hindi na magkasundo, hindi kayo dapat maghiwalay na magka-away.  Bakit? Nagmahalan naman kayo, nasarapan naman kayo pareho.”

Isiniwalat din ni Robin na may third party sa part ni Aljur ang dahilan ng hiwalayan

“Meron daw, eh. Ka-imposiblehan ba yon? Hindi yon ka-imposiblehan. Yon ang sinasabi ko kay Kylie — lalaki  yan.

“Tao ka, mangyayari at mangyayari ’yan. Puwedeng hindi mangyari… Kalokohan na hindi mangyari lalo na at nasa showbiz tayo,” lahad pa ng aktor.

Pero naiintindihan niya raw naman kung bakit ito nagawa ng dating manugang.

“Natural, maiintindahan ko. Eh, lalaki ako,” deklara niya.

“Kasi ako, yon ang unang-una kong sinabi kay Kylie nang mag-usap kami.  Sabi ko, ‘Lalaki yang asawa mo. Pasalamat ka nga at lalaki. Eh, wala, hindi raw niya kaya. Okay.  Eh, di naman kasi ako yung tipo na magiging abogado mo ’ko.

“Anak ko yon, eh.  Alangan namang maging abogado mo (Aljur) pa ko. Kagaguhan yon. Sa panahon ngayon, wag tayong maglokohan. Sa panahon ngayon, hindi ako naniniwalang merong lalaki na makakatanggi sa tukso,” dagdag pa ng ama ni Kylie.