NALUNGKOT KAMI NU’NG ibalita sa amin na nasa stage 4 na ang lung cancer ng isang nirerespeto naming artista sa industriya

ADVERTISING

NALUNGKOT KAMI NU’NG ibalita sa amin na nasa stage 4 na ang lung cancer ng isang nirerespeto naming artista sa industriya. Sana’y magkaroon pa rin ng himala, dahil napakabait na tao nito.

Actually, ayon sa aming source, tanggap na raw nito ang kanyang sitwasyon, kaya nga nagpapatawag na ito ng family reunion para hanggang sa huling sandali ay ma-enjoy niya ang malaking pamilya.

ADVERTISING

Gusto naming yakapin nang mahigpit ang isang taong hindi siya iniwan sa pakikipaglaban niya sa buhay.

Magdadasal pa rin kami para sa himala.

Tulad ng pagdarasal namin para sa dalawang miyembro ng aming pamilya na sana ay bigyan pa ng chance ni Lord na mabuhay nang matagal.

ADVERTISING

(Ogie Diaz)

ADVERTISING