Nakipagtsikahan kasi kina Liz Uy at Ruffa Gutierrez Shaina Magdayao, nairita kay John Lloyd Cruz?!

ADVERTISING

 Nakipagtsikahan kasi kina Liz Uy at Ruffa Gutierrez Shaina Magdayao, nairita kay John Lloyd Cruz?!

 Nakipagtsikahan kasi kina Liz Uy at Ruffa Gutierrez Shaina Magdayao, nairita kay John Lloyd Cruz?! ‘ETO NA ANG nakakalokang eksena. Naikuwento lang ‘to sa amin. Na sina Vhong Navarro at iba pang friends ay nagkayayaang gumimik sa isang bar sa Katipunan. That time, kasama nila si Ryan Bang (hindi pa dito natatanggal bilang hurado si Ryan, ha?)

Sa gitna ng kanilang pag-iinuman at pagkakasayahan,  meron na lang ‘di kilalang lalaki na lumapit kay Ryan. Walang kaabug-abog, kinumpronta si Ryan ng taong ito at kung anu-ano ang pinagsasasabi. Eh, nakainom ‘yung lalaki.

“Nasa’n ang passport mo? Ilabas mo, gusto kong makita. Wala kang visa rito, ha? Hindi p’wede ‘yan, ipapa-deport kita.  Overstaying ka na rito!”

Biglang sabi uli ng lasing, “Nakikita mo ‘to, ha?” Tulala pa rin si Ryan. Tumangu-tango na lang ito sa nakitang putol na daliri nu’ng mama.

ADVERTISING

“Miyembro ako ng Yakuza. ‘Pag hindi ka pa lumayas ng Pilipinas, lagot ka sa ‘kin!”

Naawat naman ‘yung lalaki. Hindi naman nagkagulo, dahil mga kaibigan ni Vhong ang mga may-ari ng bar. At higit sa lahat, kilala ni Vhong kung sino ‘yung mamang putol ang daliri.

“Takot ako. Ano ibig sabihin no’n, Papa Vhong? Me kasalanan ako? Ano ako gagawin?” sunod-sunod na ang pag-aalala ni Ryan. Natatawa na rin si Vhong.

Kasi, ‘yung lasing na putol ang daliri ay alalay ni John Lloyd Cruz. Si Pip.

 

“NAGPABINYAG” NA PALA bilang Christian si RR Enriquez, dahil sa kanyang current boyfriend na isang Christian. Kaya raw medyo “pa-demure” ang image niya ngayon. Hindi siya puwedeng magpaseksi nang bonggang-bongga.

Hindi raw siya mag-aala FHM posing, dahil behaved na ang kanyang byuti. Sobrang laki raw ng impluwensiya ng kanyang boyfriend sa kanyang Christian living.

Tama naman ‘yon. Kaso nga, sa kultura ng showbiz, hiwalay ang pagiging Kristiyano sa pag-arte. But if she’s willing to sacrifice opportunities na lalabag naman sa pagka-Kristiyano niya at masaya siya, hayaan na natin ‘yon.

Buhay nila ‘yan at masaya sila diyan, me kokontra pa ba?

 

BA’T ITSINITSISMIS NA sobrang nairita si Shaina Magdayao sa boyfriend na si John Lloyd Cruz porke sa nakaraang isang bonggang event ay super selos daw ito. Pa’no na raw kasi, tsinitsika nang bonggang-bongga ni Lloydie ang mga ex-girlfriends na sina Ruffa Gutierrez at Liz Uy.

Hahahaha!

Juice ko, ang laki naman talaga ng nota ni John Lloyd, ano po?

 

ANG LAGING GUSTUNG-GUSTO naming gawin na dumaldal nang dumaldal habang maraming nakikinig ay nagagawa na namin ngayon. At hindi lang nakikinig, puwede pang manood.

Nakakatuwa na nu’ng nag-test webcast lang kami nu’ng first day ay naka-152 views kami. Second day namin ay 274 at ‘yung third namin with Rommel Placente ay naka-679 views kami.

Nu’ng Lunes ay nakakalokah, naka-1,770 views kami. Pataas na nang pataas ang nagla-like sa amin sa online TV namin, hehehe.

Kaya kayo, mga giliw naming mambabasa ng Pinoy Parazzi, puwede n’yo na kaming mapanood sa Facebook nang live!  Just log on to www.facebook.com/vibestayo at i-click lang ang “click this” para mapanood n’yo na kami.

4-5:30pm kami everyday Manila Time (puwera today, Wednesday, 3-4:30pm kami, dahil guest namin si Pokwang) kasama si Rommel Placente. Sana, paki-like na rin ang fb naming “Vibes Tayo” para mas ma-inspire kaming magbalita pa tungkol sa inyong favorite artists!

At ipagsabi n’yo na rin, ha? Hehehe. Demanding ang bading?

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING