Nakatago raw sa isang banko
Raymart Santiago, ‘secret video’ ang alas laban kay Claudine Barretto?!

ADVERTISING

<i>Nakatago raw sa isang banko</i><br>Raymart Santiago, ‘secret video’ ang alas laban kay Claudine Barretto?!

<i>Nakatago raw sa isang banko</i><br>Raymart Santiago, ‘secret video’ ang alas laban kay Claudine Barretto?!AKO MAN, nagtataka kung ano ang nilalaman ng sinasabing video na kuha ni Raymart Santiago sa misis na si Claudine Barretto (kasama ang mga anak nila) na tila isang malaking sikreto na hindi dapat mabunyang.

ADVERTISING

Mula kasi nang hindi na umuuwi si Raymart sa haybols nila ni Claudine, isa-isang naglalabasan ang mga nakatagong isyu tungkol sa aktres na ngayon lang naglalabasan.

May nakarating sa aming balita na ang naturang video (na until now ay hindi pa nasisilip ninuman ay siyang pinakatagu-tago ni Raymart na kung sakaling lumusot sa media o sa internet at ikasisira ni Claudine at walang rason para manatili pa na dapat silang mag-sama.

<i>Nakatago raw sa isang banko</i><br>Raymart Santiago, ‘secret video’ ang alas laban kay Claudine Barretto?!Sabi-sabi, ang nilalaman ng sikretong video na ito ang siyang magiging pruweba diumao ni Raymart kung sakaling mag-file man siya ng annulment para sa kasal nila.

ADVERTISING

Habang naghihintay ang media at ang publiko tungkol sa nilalaman ng naturang personal video na ‘yun na kuha ni Raymart, ang daming mga haka-haka tuloy ang naglilitawan kung tungkol saan at ano ba talaga ang nilalaman nito.

Sa kampo naman ng mga Santiago, balita namin, pinipigilan na siya diumano ng pamilya niya lalo na ng ina nito na makipagbalikan sa misis.

‘Pag nagkataon, lintik ang walang ganti. Balita nga naming maging si Claudine ay kinakabahan na lumabas ang naturang video sa media.

Kung kalian ito lalabas sa media at malalaman ng publiko, si Raymart lang ang nakaaalam. Balita namin, nasa safekeeping daw ito sa isang banko sa Greenhills at nakatago.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING