Nakarma raw si Amalia Fuentes
Annabelle Rama, abot hanggang langit ang ngiti?!

ADVERTISING

<b>Nakarma raw si Amalia Fuentes </b><br>Annabelle Rama, abot hanggang langit ang ngiti?!

<b>Nakarma raw si Amalia Fuentes </b><br>Annabelle Rama, abot hanggang langit ang ngiti?!OLA CHIKKA now na! Oh, no… oh, yes… now na! More chikka, more fun na naman tayo to the maximun authority of chikka.

Ano ba ‘yan?! Hindi ako makapaniwala sa nangyari kay Amalia Fuentes. Sa tinagal-tagal niya sa industry, nga-yon lang siya nagkaroon ng ganyang kaso. At matagal na rin siyang nagpapaupa ng bahay, ngayon lang siya naka-encounter na muntik na siyang patayin, pati ang kanyang anak.

Habang ginagawa ko ang kolum ko, nag-chat sa akin si Chito Alcid na kasalukuyang nasa St. Luke’s Medical Center, QC. Andu’n ang mga TV  network at news reporters. Kinumusta siya ng kanyang angkang Muhlach. Ang da-ming kaibigang dumalaw. Andu’n ang mga Montenegro. Dumating si Daisy Romualdez. X-ray, CTscan, medico legal, at magdedemanda sila ng attempted murder.

Ang daming tama ni Amalia at ang anak niyang si Gerick. Nationwide manhunt daw para sa mag-asawang Peter Tan at Rosemarie Licup. Hindi raw si Amalia ang nag-start ng gulo. Talagang notorious daw ang mag-asawang ito at bastos. Sila na ang nagpatalbog ng tseke, sila pa ang nang-iinis.

ADVERTISING

Maraming paupahan si Amalia, pero never niyang ikinukuwento ang mga problemang nae-encounter niya. Pribado niya ‘yun. Lumalaban lang nang maayos si Amalia. Dahil mayroon talagang mga taong makakaharap mo na mapagsamantala at walang-hiya.

Saan kaya hahantong ang usaping ito? Alam kong hanggang langit ang ngiti ng kaaway niyang si Annabelle Rama, kasi may nabasa ako sa tweet na ‘buti nga, karma na ni Amalia ‘yan’.

OMG! Sa kanya kaya mangyari ang gano’n? Wala na talagang kaluluwa ang babaeng ito, kaya tuloy nakapag-iisip ako nang hindi maganda sa kanya. Iba naman ang away nila sa nangyari kay Amalia at sa nangungupahan sa kanyang bahay. In fairness, walang kinalaman si Annabelle, talagang we sometimes encounter evil people tulad ng tenants ni Amalia.

Amalia is not trouble-maker. Kahit sino naman sa atin, marami talaga ang nae-encounter na mga walang-hiyang nilalang. P25k rental a month sa isang unit, tseke tumalbog. Pati electric bill na P42k, hindi bayad. Tapos sila pa ang nagsisigaw at nanaksak ng payong at tumutok ng baril sa anak niya. Kaya nga nagkaupakan sina Gerick at Peter Tan. Tapos ‘yung mahaderang Rosemarie, inupakan si Amalia, tinusuk-tusok ng payong sa likod at ibang parte ng katawan. May baril ang lalaki at nagtataka si Gerick kung bakit ayaw silang payagang makapasok sa bahay. Ano ang nangyari roon sa loob at puro CCTV camera? Naka-monitor kung sino ang darating sa gate nila?

Ito lang ang masasabi ko, kung walang kasalan ang mag-asawa, bakit sila nagtatago? Say mo?!

 

AY, NAKU! Puro na lang bayolente ang mga nangyayari ngayon sa mga artista. Dito na lang tayo sa medyo may relevance na tsika.

Kasi nga naman sa London, sa Pinoy Radio UK, kung saan tumutugtog ang song ni DK Valdez, almost 2 weeks lang na nasa playlist, naging most requested song na agad at biglang pumasok sa top 20 hits ang kanyang ni-revive na awitin ni Marco Sison na My Love Will See You Through. Talagang bongga ang pagka-revive ni DK nito.

Congrats din nga pala! Kasi sa nalalapit na PMPC Star Awards for Music, isa si DK Valdez sa nominee bilang New Male Recording Artist of the Year. Kasi ang kanyang album na DK Valdez ay nanguna sa sales ng iba’t ibang records bar sa Manila, kahit hindi masyadong natutugtog sa mga FM station. Dito mo talaga mapatutunayan na talagang ‘pag maganda ang mga songs mo, talagang hahanap-hanapin.

At speaking of DK, napag-alaman kong kahit busy siya sa mga show sa Europe ay gagawa siya ng paraan na makauwi sa awards nigth, manalo man o matalo. Okay lang sa kanya, at least na-recognize ang kanyang first album ng PMPC.

To DK Valdez, more power and congratulations! Bonggacious!

At siyempre, lagi n’yo po kaming pa-kinggan dahil may program na po ako sa Pinoy Radio UK, 6-8pm, Manila time, 11am-1pm London time, with Baby Mike. Bonggacious, ‘di ba?!

Chikkahan na tayo! Of course, para sa may mga cellphone, puwedeng mag-download ng application, free download po ito. I-type n’yo lang po ang PINOY RADIO UK.

Makinig na po kayo, dahil pang-international na rin ang beauty ko. Pak!

 

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING