Nakapanganak na nga ba?
Sarah Lahbati, deadma pa rin sa buntis issue

ADVERTISING

<i>Nakapanganak na nga ba?</i><br>Sarah Lahbati, deadma pa rin sa buntis issue

<i>Nakapanganak na nga ba?</i><br>Sarah Lahbati, deadma pa rin sa buntis issueSAYANG AT hindi namin naabutan si Sarah Lahbati sa Paris dahil nakabalik na raw pala ito ng Geneva, Switzerland.

ADVERTISING

Ang dinig ko nga, kasama na nito roon si Richard Gutierrez, na nagbakasyon kaagad sa kanya pagkatapos ng showing ng My Lady Boss.

May inilabas kasi si Ricky Lo na blind item na obvious si Sarah Lahbati ang tinutukoy na nito na malapit na raw manganak.

Kaya kinalkal nina Gorgy Rula si Sarah kung puwede siyang makita para ma-interview ito at mapatunayan kung buntis nga ba ito o hindi.

ADVERTISING

<i>Nakapanganak na nga ba?</i><br>Sarah Lahbati, deadma pa rin sa buntis issueSumagot naman siya sa Instagram na nasa Geneva na raw ito. Pero hindi na siya sumagot kung totoong buntis ito o hindi.

Ang sabi kasi ng mga bakla, base sa mga ipinu-post ni Sarah parang hindi naman ito buntis.

Nag-post pa nga raw ito ng Instavideo na ang sexy at sumasayaw pa raw. Eh, bagong kuha raw ‘yun, kaya paano raw kung malapit nang manganak.

Kaya kung talagang nabuntis siya, maaaring nakapanganak na o baka hindi talaga siya nabuntis. Pero hindi naman ‘yan  isusulat ni Ricky kung wala siyang reliable na source. Kaya tingnan na lang natin kung ano talaga ang totoo.

Sabi naman ng Mommy ni Sarah, malapit nang bumalik ng bansa ang young actress para harapin niya ito lahat at ayusin ang mga problemang naiwan niya.

I’m sure malalaman din naman ‘yan kung talagang nabuntis nga ito. Abangan na lang natin.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING