NAKAKAPRANING! Tony Labrusca at 5 pang cast ng Bagong Umaga series naka-survive sa Covid-19 virus

Leo Bukas

MAGIGING unforgettable para sa aktor na si Tony Labrusca ang Kapamilya teleseryeng Bagong Umaga hindi lang dahil sa kanyang lock-in taping experience kung hindi dahil marami sa kasamahan niya sa cast ang nagka-COVID-19.

“I’m not sure if I’m allowed to say this, but the show is about to finish, I don’t think they can get mad at me for this. But halos lahat kami COVID survivors,” pagtatapat ng aktor.

NAKAKAPRANING! Tony Labrusca at 5 pang cast ng Bagong Umaga series naka-survive sa Covid-19 virus
Tony Labrusca and Bagong Umaga cast members

Dugtong niya, “Am I allowed to say that? I’m so sorry (laughs). We’re working in a time of pandemic and it happens. But God is good and we all survived so that was pretty unforgettable. But I want to reiterate, prod took really, really good care of us. Without them, we would be nowhere.”

Kasama ni Tony na nagpositibo rin sa cast ng Bagong Umaga sina Heaven Peralejo, Nikki Valdez, Sunshine Cruz, Barbie Imperial at Keempee de Leon.

Kuwento pa ni Tony naranasan niya ang mga  usual symptoms ng covid-19 tulad ng pananakit ng katawan,  lagnat at ubo.

Ano ba ang naging realizations niya pagkatapos malabanan ang nakamamatay na virus?

“Nakaka-praning siya kasi I had a friend who survived COVID and yung sinabi niya sa akin nung nag-recover na ako, ‘Tony, alam mo ba na ito na yung second life mo? Kasi when people get COVID, it’s either they live or they die. Dalawa lang yun eh.’

“So it’s crazy na kasama na ako sa statistics. Nakaka-praning siya but I’m just really thankful that I recovered really fast. On my 12th day I tested negative na. And with the help of production team, sila talaga yung naging family namin so parang sila talaga yung nag-alaga sa amin, made sure that we got home safe and that we had the proper meds, the doctors were always taking care of us so nakatulong talaga yun. We were all handling it like a family para no one felt left out and no one felt alone,” kuwento  pa ng aktor.