Nakakapanghinayang: Jovit Baldivino, pumangit ang image!

ADVERTISING

Nakakapanghinayang: Jovit Baldivino, pumangit ang image!

Nakakapanghinayang: Jovit Baldivino, pumangit ang image!
Jovit Baldino and Shara Chavez | Photo grabbed from Shara’s Facebook account

LUMABAS LAST FRIDAY sa Tonight With Boy Abunda si Shara Chavez, dating girlfriend ng singer na si Jovit Baldivino. Ang naging tema ng panayam ni Kuya Boy kay Shara ay ang kinahinatnan ng relasyon ng dalawa, dahil sinabi nitong pambababae ni Jovit.

 
Saad ni Shara, “I’ve reached my limit po. Nasaktan po ako and hindi ko na po kinaya. Nailabas ko na po lahat ng sama ng loob ko. Iyon lang po ang way ko na mapagaan ‘yung mga nasa loob ko. Nagtiis po ako ng sobrang dami. Marami po akong kinimkim lang muna then iyon po, napuno na po ako.”
 
Sinabi rin niyang sinubukan nilang ayusin ni Jovit ang gusot sa kanilang pagitan.
“Yes, Tito Boy, trinay po namin na ayusin po iyon. Kapag mag-aaway kami, ayusin po.
 
“Actually Tito Boy, nag-usap po kami, kami lang pong dalawa through text po. Kaso alam nyo po yun, kahit i-pinpoint ko po sa kanya yung mga sinabi ko po lahat sa post, hindi din po kami magkaintindihan? Hindi rin po niya ako pakinggan sa mga sinabi ko po,” esplika ni Shara.
 
“Because he was denying?” tanong ni Kuya Boy.
 
Sagot niya, “No, actually, hindi naman po siya nag-explain, hindi po siya nag sorry.
 
“He was denying. Kumbaga, wala po siyang ginawang masama. ‘Yun po ‘yung pinaparating po niya,” esplika pa ni Shara hinggil sa naging pahayag ni Jovit.
 
Dagdag pa niya, “Iyon po ‘yung nakapag pa-trigger po sa akin. Tito Boy, doon po sa mga nakita ko, bilang babae, bilang kinakasama niya, nasaktan po talaga ako na siyempre, nagbigay po siya ng panahon, nag-effort siyang dalawin iyong isang babae while kami ng baby (niya) pinaghintay lang po kami sa bahay. Then hindi ko po alam kung ano po iyong ginagawa po niya noong time na iyon. Iyon pala po, na-discover ko may bago na pala siyang nakilala.
 
“Hindi ko po sinabi po na GF po ‘yun. Kumbaga, nasa getting to know stage na po.”
 
Isa pang inamin ni Shara sa naturang panayam ang pagsusugal daw ng singer na naging isa rin sa rason ng kanilang hiwalayan.
 
“Yes po, Tito Boy, pinigilan ko po siya. Pero dumating din po ako sa point na pagod na rin po ako sa kasasabi.”
 
Well, sa palagay namin ay malaking black eye kay Jovit ang mga sinabing ito ni Shara at siguradong marami rin ang maniniwala sa kanya. Paano aayusin ni Jovit ngayon ang reputasyon niya? Maaari kasing isipin ng iba na, ‘Binigyan ka na ng biyaya ng Diyos at nagkapangalan ka, tama bang abusuhin ito?’ Tsk, tsk, tsk…

Nonie’s Niche
by Nonie V. Nicasio

ADVERTISING