NAKAKA-STRESS! Vice Ganda, napamura dahil sa trapik sa Metro Manila

ADVERTISING

NAKAKA-STRESS! Vice Ganda, napamura dahil sa trapik sa Metro Manila

NAKAKA-STRESS! Vice Ganda, napamura dahil sa trapik sa Metro Manila
VICE GANDA

HINDI MO nga naman masisisi ang unkabogable box-office superstar na si Vice Ganda na nag-rant sa kasalukuyang sitwasyon ng trapik sa Metro Manila recently.

 Sa pagkakasulat niya sa kanyang Twitter account: “Sobrang lala talaga ang traffic. Alam kong hindi na bago pero di mo pa rin mapigilang mapamura dahil sa perwisyo. Lalo na’t milyon ang tax ko!”

 “Tuwing nagbabayad ako ng milyun milyong tax napapapikit ako.Tuwing naiipit ako sa trapik napapamura talaga ko sa sama ng loob, san napupunta?

 “Kung di man sa pagreresolba ng trapiko sana lang talga sa ibang serbisyo mapakinabangan ng Pilipino ung tax na ibinayad nila.

ADVERTISING

Kasi naman, last week right after ng kanyang noontime show na It’s Showtime, naka-schedule si Vice pumunta ng Las Pinas para dalawin ang isang maysakit na lola na fans niya.

Nag-request ang matandang tagahanga sa kanya na siya naman ginagawa ni Vice basta nakakaluwag ang kanyang schedules.

Hindi na bago ito kay Vice na regular niya ito ginagawa sa mga fans and supporters niya lalo na ang mga may sakit at mga matatanda na hindi na lang naibabalita.

That day right after the show, binaybay niya ang EDSA from ABS-CBN located sa Sgt. Esguerra in Quezon City.

Naloka ang beks na it took him and his team ng almost 2 hours na binaybay ang pinakamahabang parking lot sa buong mundo (ang EDSA) na sa talaga ng biyahe nila, hanggang SM Mega Mall pa lang sila na usually ay 30 to 45 minutes lang binabaybay ito from ABS-CBN.

Kaya masisisi mo ba si Vice sa pagra-rant niya?

Kawawa ‘yong matanda na naghintay.

Sabi nga ni VG :”Pag ako lang naging ubod yaman mageeroplano ko araw-araw at Hu U ka saking hayup kang bwakanabith kang trapik ka!”na idinaan na lang niya sa pagpapatawa sa kanyang tweet with subtext.

Iba ka talaga VG kaya love kita at ang opinyon mo.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING