Nakainom lang daw at ‘di naka-drugs
Joseph Bitangcol, halos hubad nakatulog sa loob ng kotse

ADVERTISING

<i>Nakainom lang daw at ‘di naka-drugs</i><br>Joseph Bitangcol, halos hubad nakatulog sa loob ng kotse

<i>Nakainom lang daw at ‘di naka-drugs</i><br>Joseph Bitangcol, halos hubad nakatulog sa loob ng kotseABANGAN N’YO sa Startalk ang exclusive interview ko kay Joseph Bitangcol na napabalita nu’ng nakaraang linggo na nakita raw sa kotse niya na tulog na tulog at hindi raw ito magising.

Dapat nu’ng nakaraang Sabado pa namin nailabas nag kuwentong ‘yun, pero hindi pa namin na-interview nu’n si Joseph dahil may raket daw out of town.

Kaya in-interview ko siya para sa Startalk na mapapanood n’yo na bukas.

Nakuha kasi ng Startalk ang litrato ni Joseph na tulog na tulog sa kotse niya at halos nahubaran na ito. Sa totoo lang matataypan ng mga vaklush ang kuhang ‘yun, ha! Pero sa Startalk n’yo lang mapapanood ‘yan.

ADVERTISING

In fairness naman kay Joseph, maayos naman siya nu’ng nakausap ko at ipinaliwanag niya kung bakit siya nakita sa ganu’ng sitwasyon, at naintriga na agad.

Ayon sa aktor, sobrang napagod daw siya sa mahabang biyahe dahil galing daw siya ng Isabela nu’n.

Kaya sa halip na ipagpatuloy ang pagda-drive, natulog na lang muna siya sa kotse. Bumili lang daw siya nu’n ng tubig, tapos hindi na raw niya nakayanan ang sobrang pagod, nakatulog na ito. Mahimbing na mahimbing siyang nakatulog dahil nakainom pa raw ito nang konti galing sa isang kaibigan.

<i>Nakainom lang daw at ‘di naka-drugs</i><br>Joseph Bitangcol, halos hubad nakatulog sa loob ng kotseNag-iingat naman daw siya sa pagda-drive magmula nu’ng maaksidente siya kaya itinulog na lang niya muna kesa nga naman daw maaksidente siya.

Itinatanggi ni Joseph na naka-drugs siya nu’n. Medyo nakainom lang daw siya, pero hindi raw siya nagda-drugs talaga.

Inamin lang niyang nasubukan daw niya noong mag-drugs pero sobrang tagal na raw ‘yun.

Pero ang isa sa inamin sa amin ni Joseph ay sobrang na-depress daw talaga siya nu’ng naghiwalay sila ni Sandara Park. Lalo pa raw siyang nalungkot nang hindi na umarya ang career niya at lalong gumanda pa ang career ni Sandara sa Korea.

Pero nu’ng nagbakasyon daw si Sandara dito, nagkausap daw sila at nagkaroon daw sila nang maayos na closure.

 

UMIYAK PA si BB Gandanghari sa interview ng Startalk sa kanya sa presscon ng show nila ni John Lapus na Beauty and the Sweet.

Napag-usapan pa kasi roon ang hindi pagkakasundo nila ni Robin Padilla at hindi na nga raw siya napapasama sa mga family reunion nila.

Pero ang magandang balita, nagkaayos na pala sila at dumalaw pa pala sila kay BB nu’ng na-hospitalize ito.

Ipinost nga ni Robin sa kanyang Instagram account na dumalaw sila kay BB at tinawag pa niya itong “sister”. Kaya okay na sila, at siguro suportado na nito ang mga project ni BB.

Manonood kaya si Robin ng show nina BB at Sweet sa Music Museum na gagawin sa August?

Ang dinig ko, malaki raw ang nagawa ni Mommy Eva kaya nagkabati ang magkapatid at natanggap na ni Robin na sister na niya si BB.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING