Naka-tsinelas sa taping ng serye: young actor, nalilimahid sa dumi ang paa at kuko!

ADVERTISING

DUMATING SA taping ng kanyang serye ang young actor nang nakatsinelas.
In fairness, ma-PR naman sa crew, sa staff at sa mga kasamang artista ang young actor, pero hindi naman ‘yon ang issue.
Halos lahat ay napapatingin sa gawing ibaba ng kanyang katawan – sa bandang paanan – na nakapukaw ng atensiyon ng mga staff.
Bulong ng isa, “Tingnan mo ‘yung paa nu’ng isang crew. Tapos, tingnan mo ‘yung paa ni ____.
“Ngayon, pagkumparahin mo ang paa nila, kanino ang mas malinis?”
Juice ko, ang dumi raw ng kuko sa paa ng young actor. Parang puwede na raw tamnan ng kamote ‘yung lupa sa ilalim ng nails nito.
“Saka ‘yung paa, Papa O, ‘yun mismo ang marumi. Hindi man lang ipa-foot scrub eh, artista pa naman siya, ‘di ba?
“Pinagtsitsismisan tuloy siya sa set.”
Meron pang isang reklamo sa young actor. “Sana, minimize niya ang smoking. Grabe! Ang itim na ng bibig niya at pati gums niya, umiitim na rin.”
Oh, well…  sana nga mabasa ito ng young actor kung totoong may kuwenta sa kanya ang reklamong ito ng mga kasamahan niya.

By Ogie Diaz

ADVERTISING

 

ADVERTISING