Nahawa na sa inang si Sharon Cuneta
KC Concepcion, laylay na rin ang kasikatan

ADVERTISING

<i>Nahawa na sa inang si Sharon Cuneta</i><br>KC Concepcion, laylay na rin ang kasikatan

<i>Nahawa na sa inang si Sharon Cuneta</i><br>KC Concepcion, laylay na rin ang kasikatanNAGTATAGAL NA rin na pahinga ang acting career ni KC Concepcion kaya kailangan na talaga ulit iyong ihataw para matiyak na talaga ang direksiyon ng kanyang kasikatan. Nasa tamang edad na kasi ang anak ni Sharon Cuneta, kaya ang inaabangan na lang ng showbiz na magiging kaganapan sa kanyang buhay ay ang kanyang pagpapakasal. Ang napatunayan lang kasi ng kanyang kasikatan ay ang kanyang kahusayan sa pagho-host sa telebisyon.

ADVERTISING

Hindi kaagad naipalabas ang teleseryeng Against All Odds ng ABS-CBN, kung saan makakasama niya sana sina Judy Ann Santos, Jericho Rosales at Sam Milby. Nang matapos na sa ere ang programang X-Factor Philippines na hino-host ni KC ay nawalan na ng balita tungkol sa kanyang career. Bagkus, ang lagi pa ring naaalaala sa showbiz ay ang kanyang pag-iyak noon dahil sa biglang hiwalayan nila ni Piolo Pascual.

Parehong magkasunod na dumanas ng lamlam ang kasikatan nina KC at ng kanyang mommy Sharon, kaya hindi iyon magandang pangitain. Matagal na walang proyekto si KC para mapatunayan ang kanyang kasikatan. Ang Megastar naman ay patuloy na pinanghihinayangan ang kinasapitan ng career sa kanyang paglipat sa TV 5, dahil parang lalo pang nanahimik ang kanyang kasikatan, dahil nakagarahe rin ngayon ang kanyang acting career.

 

ADVERTISING

WALANG DUDA na pagkatapos ni Richard Gutierrez ay ang pangalan ni Aljur Abrenica ang pupuwedeng sumikat nang todo sa bakuran ng GMA-7, dahil malakas ang kanyang appeal sa mga kababaihan ganu’n din sa mga bading.  Masipag si Aljur para maabot ang kanyang kasikatan. Kaya lang, habang nariyan na ang kanyang kasikatan ay hindi pa rin niya mapanindigan na magaling siyang kabataang actor, kaya nabantilawan na ang todo-todo niyang pagsikat, lalo na nga’t mayroon na rin siyang lovelife ngayon.

Mahaharangan pang lalo ang diretsong pagsikat ni Aljur, dahil habang pantasya siya ng mga kababaihan at kabadingan ay hindi na niya ngayon pupuwedeng paglaruan ang isyu tungkol sa kanyang lovelife. Dati-rati kasi, nakakapagdenay pa siya kung sino ang kanyang mga nililigawan o ang kanyang mga nakakarelasyon, dahil ang mga babae rin naman na nali-link sa kanya ay hindi nagpapakatotoo tungkol sa kanilang ugnayan.

Buo ang loob ni Kylie Padilla na inamin ang maganda nilang pagtitinginan ngayon ni Aljur. Dati kasi, si Aljur ‘yung hindi nagsasalita tungkol sa kanilang relasyon, dahil nga ang matinding dahilan ay maraming sinasabi si Robin Padilla, dahil tatay nga ni Kylie. Matapang ang paninindigan ni Kylie, dahil ipinaglalaban na niya ang kanilang relasyon ngayon. Alam din kasi ni Kylie na maraming taga-showbiz na babae ang gustong magpapansin sa guwapong actor. ‘Yun nga lang, magdudusa silang pareho ni Aljur na baka manlupaypay ang kanilang pagsikat kung ganyang lantad na nga ang kanilang relasyon.

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING