Nagtapos na ang teleserye, pero…
Kim Chiu at Maja Salvador, ‘di pa tapos ang away!

ADVERTISING

<i>Nagtapos na ang teleserye, pero…</i><br>Kim Chiu at Maja Salvador, ‘di pa tapos ang away!

<i>Nagtapos na ang teleserye, pero…</i><br>Kim Chiu at Maja Salvador, ‘di pa tapos ang away!NAGTAPOS ANG isang teleseryeng Ina, Kapatid, Anak nang bonggang-bongga, pero hindi nagkaroon ng bonggang pagbabati sina Maja Salvador at Kim Chiu.

Nu’ng dumating nga raw si Maja para halikan ang isang grupong nasa isang table kung saan nandu’n din si Kim ay agad na umalis ang huli at hindi na bumabad pa sa pagte-table hopping.

Siguro nga, hindi pa time para sila’y magkaayos. Palamig-palamig din ‘pag me time at darating din ang pagkakataong mare-realize din ng dalawa na malalaki na sila para patagalin pa ang kanilang away.

May nagsabi sa amin na very willing si Maja. Kuntodo effort na ito, pero hindi pa yata naghihilom ang sugat ni Kim, kaya hindi na muna raw nagpilit si Maja.

ADVERTISING

Me nagsabi sa akin, “Saka magbabati ‘yang dalawa ‘pag split na sina Maja at Gerald.”

Hmmmm… malalim.

Kayo na ang bahalang mag-analisa kung ano ang ibig sabihin ng aming kausap.

 

<i>Nagtapos na ang teleserye, pero…</i><br>Kim Chiu at Maja Salvador, ‘di pa tapos ang away!NGAYONG GABI na ang umpisa ng pinakaaabangang teleserye at ang muling pagbabalik ng nag-iisang reyna ng soap opera na si Ms. Judy Ann Santos bilang isang babaeng hirap na hirap sa buhay, nang makaahon ay naghihirap din ang kalooban, dahil sa mga taong ayaw at inggit sa kanya.

Ewan kumba’t sa tuwing mapapanood namin ang trailer ng teleseryeng ito, hindi naman kami balbon kumbakit nangangalisag ang balahibo namin.

Parang ibang-iba talaga ang seryeng ito.

Dito, ang babae ay hindi basta-basta paaapi. Talagang palaban at lalaban dito si Juday. Na gustung-gustong mapanood sa kanya ng kanyang mga tagahanga.

Abangan…

 

ISANG GABING-GABI ay may nag-text sa amin para ibalita sa amin ang isang good news. Na kasali na kami sa isang teleserye na hindi pa namin masabi rito kung ano’ng title, pero basta, bongga siya at excited na kaming umarte uli.

Definitely, bading na naman ang role. As if naman may iba pang role, ‘no? Hahahaha!

Basta kami’y tuwang-tuwa, dahil dalawang buwan din kaming nabakante after May Isang Pangarap, kaya gustung-gusto na naming bumalik uli.

At siyempre, inilagay kami sa teleseryeng gustung-gusto namin, alam na, ha?

Kung ano ang teleseryeng ‘yan, abangan n’yo at please, suportahan n’yo at ‘wag na ‘wag naman sana kayong mawawala.

 

SI SYLVIA Sanchez,  aside from hindi pa rin nagbabago ang itsura, punumpuno pa rin ng asim. At lalo niyang naramdaman ang kanyang alindog, dahil aba, aba, aba, meron siyang stalker na nagngangalang “Fidel”.

Na nalolokah si Ibyang, dahil sinabi na niya ritong may asawa at limang anak siya, kumbakit nangungulit pa rin.  Ipinaalam na rin niya ito sa asawang si Art Atayde. At hanggang ngayon, wa care ang stalker.

Ikaw na, Ibyang… ikaw na!

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING