Nagsasalita kasi ng kung anu-ano kay Piolo Pascual KC Concepcion, ipinatawag ng management ng dos?!

ADVERTISING

Nagsasalita kasi ng kung anu-ano kay Piolo Pascual KC Concepcion, ipinatawag ng management ng dos?!

Nagsasalita kasi ng kung anu-ano kay Piolo Pascual KC Concepcion, ipinatawag ng management ng dos?! BLIND ITEM: YES, true, fresh na fresh ang ating blind item ngayon. Ang bida natin ngayon ay itong si Female singer na  nag-concert lang kamakailan lang at du’n ay napag-alaman ng buong staff ang sikreto niya kumbakit habang tumatagal ang said concert ay mas humuhusay ang ating bida sa kanyang pagkanta.

Ang female singer na bida natin ay may props na isang mug sa kanyang tabi. At buong akala ng lahat ng nanonod sa kanya ay kape o tea ang kanyang tinutungga. Ang true ay alak ang laman ng mug.

Kalokah , ‘di ba?

Kung ganoon, nakakatulong pala ang alak sa katauhan ng ating female singer?

ADVERTISING

Kaya lang hindi kaya alam ng singer na habang tumatagal ang kanyang paglaklak ng alak onstage ay hindi ito nagiging maganda sa timbre ng kanyang boses. Girl na girl pa naman ang kanyang name.

Nagulat nga rin ang kanyang kasama sa sa kanyang concert na isa ring female singer.

O, knows, n’yo na ba kung sino siya? Well, ang name niya ay siya namang nickname ng isang actress. O hula-hula na po!

 

ISANG SOURCE ANG nagtsika sa amin na kesyo lihim na pinatawag nga raw ng management ng ABS-CBN itong si KC Concepcion para sabihan na hindi tama na magsalita ito ng mga kung anu-anong patungkol sa kanyang karelasyon o dating karelasyon na si Piolo Pascual.

May mga pahayag kasi si KC na parang siya lagi ang nag-a-adjust sa naging relasyon nila ng aktor. Isang linyang ikinagulat nga ng lahat ay ang “Tinanggap kita ng buong-buo,” at iba pang mga linyang tiyak na maglalaro  ang inyong mga isipan.

Mukhang kasabay ng mga bagyo rito Pilipinas ang mga bagyo na problema naman ni KC, kung iaanalisa mo ang kanyang  mga pahayag noong siya ay umalis.

Ang sabi, problema raw sa kanyang pamilya, problema sa kanyang pag-ibig at sa kanyang career. Saan kaya ang signal number one, two at three sa tatlong nabanggit?

Abangan ang mga susunod na kabanata.

 

WALA NA YATANG makakatalo sa Wil Time, Big Time ng TV5 pagdating sa pamamahagi ng mga papremyo sa telebisyon. Only Willie Revillame. Lalo na nga ngayong first anniversary ng kanyang show sa Smart Araneta sa darating na October 22.

Kami nga mismo ay nakukulitan na sa paghingi sa amin ng mga sandamamak na kakilala sa kung paano raw sila makakapanood ng said show. Isa lang ang ibig sabihin nu’n, malakas pa rin sa masa ang pinaka-baby na show ng mahusay na host.

Maraming magaganap na sorpresa sa first anniversary at siguradong magugulat ang lahat. Bukod sa sandamakmak  na bigating papremyo, bahay, kotse at mga milyones ay may mga libreng bigas ang audience.

Bongga, ‘di ba? Ikaw na ang ma-ging Willie Revillame. Na ang gusto ay mapasaya ang lahat ng mga tagapanood niya.
by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!

ADVERTISING