NAGPAPAKATOTOO LANG: Yam Concepcion, aminadong hindi sila friends ni Yen Santos!

ADVERTISING

NAGPAPAKATOTOO LANG: Yam Concepcion, aminadong hindi sila friends ni Yen Santos!
Yen Santos and Yam Concepcion

KAPANSIN-PANSIN sa mga social media posts ng mga cast ng hit teleserye na ‘Halik’ na may nabuo na talagang solid bonding within the cast members. Palaging may pinopost na kulitan videos na featured ang mga bidang sina Jericho Rosales, Sam Milby at Yam Concepcion.

Ang bida na halatang palaging absent sa kulitan ay si Yen Santos.

ADVERTISING

May ilang interviews na sina Yam at Yen previously na magkasama at ang akala namin ay super close sila. Nagsama na rin kasi sila sa ibang proyekto noon kaya nag-assume na kami na very close ang dalawang primetime stars.

The catch is they’re just… acquaintances. And there’s nothing wrong with that.

Sa recent interview kay Yam Concepcion, inamin nito kay Boy Abunda na hindi talaga ‘friendship’ ang meron sa kanila ni Yen, kundi they’re more of acquaintances.

Nag–umpisa ang isyu naa may hidwan sa pagitan ng dalawa nang makita ng fans na hindi na finofollow ni Yam si Yen. Ang nangyari pala ay may time na nag-deactivate ng kanyang Instagram si Yen at wala na itong finofollow na kahit na sino pa man.

NAGPAPAKATOTOO LANG: Yam Concepcion, aminadong hindi sila friends ni Yen Santos!
Yam Concepcion

“I don’t want to be plastic kasi… want to be as real as possible. Sa ginagalawan nating industriya, parang palagi na lang you’re always on the safe side, you’re going to say what people want to hear. Huwag na ‘yung ganu’n. Gawin natin, totoo na tayo.” ani Yam with a smile.

Sa kanyang onscreen ‘sissy’ na si Nina Dolino nakahanap si Yam ng real friend sa show. Kahit ang mga personal na mga ganap nila sa kani-kanilang buhay ay updated sila.

Ngayon na magtatapos na ang controversial series na ito, masasabi namin na si Yam Concepcion talaga ang pinaka-napansin dahil nakakuha ito ng samu’t saring awards. Kebs na kung tinatawag siyang ‘Pambansang Kabit’! Award-winning naman, huh!?

ADVERTISING