Nagpakilalang pinsan ni Sen. Chiz Escudero, nais ipaabot ang suporta kung sakali raw

ADVERTISING

Nagpakilalang pinsan ni Sen. Chiz Escudero, nais ipaabot ang suporta kung sakali raw

Chiz-EscuderoGASGAS NA ang aming linya—taken from the opening lyrics of a popular 70s song—na, “Love comes from the most unexpected places.”

Hindi lang kasi pag-ibig ang bigla na lang bubulaga sa ‘yo, so does an interesting showbiz item you can write about, na siyang matutunghayan n’yo sa kolum na ito.

Exactly a week ago, at our favorite hangout in Pasay City, isang nagsosolong manginginom ang nasa kalapit ng aming mesa. With Spanish mestizo features, hindi muna siya nagpakilala kundi nagtanong kung uso pa raw ba sa Pasay ang saklaan.

Conversation ensued until nagkakilanlan kami. The 68 year-old retired banker and a self-confessed insomniac introduced himself as Eddie Escudero, pinsan pala ni Senator Francis “Chiz” Escudero. What a coincidence, katrabaho pa mandin namin ang misis ng mambabatas na si Heart Evangelista sa Startalk.

ADVERTISING

Ayon sa tinawag na naming Daddy Eddie, ang nanay niyang si Remedios at ang ama ni Chiz na si Salvador (nicknamed Sonny) were first cousins. Naging mas malapit nga lang daw si Daddy Eddie sa tiyahin ni Chiz, si Claudia, kapatid ni Sonny, na magkasunod na namayapa.

Aminado si Daddy Eddie na dahil sa kanyang matagal na paninirahan sa Maynila mula sa kanilang bayan sa Kasiguran, Sorsogon kung kaya’t he and Chiz were never close. “Saka nahihiya rin akong lumapit at magpakilala porke’t nasa puwesto siya,” aniya.

A likely heartwarming reunion na sana’y kami ang magbigay-daan para sa magpinsan, this early ay nais nang ipaabot ni Daddy Eddie ang kanyang suporta kung tatakbo man daw si Chiz sa mas mataas na puwesto.

“‘Yung bahay ko, willing kong gawing headquarters ng pinsan ko,” paniniyak ng tiyuhin ni Chiz.

 

HINDI NASUNDO ni Ethan si Yumi sa airport dahil nakatulog ito nang mahimbing. Gumanti si Yumi at hindi nagpakita sa kanya. Kinasabwat ni Yumi ang lahat para sabihin kay Ethan na nasa London pa siya. Saan hahantong ang tampuhan nina Ethan at Yumi?

Samantala, pakakasalan daw si Natalia ng ex-boyfriend na foreigner at pupuntahan daw dito sa Pilipinas. Naisip niya na ang tanging paraan para maiwasan ang ex-boyfriend ay pakasal siya kay Bernie.

Papayag kaya si Bernie? At ano ang dahilan kung bakit ayaw ni Natalia sa guwapong foreigner?

Habang nagba-bike naman si Bernie ay mababangga niya ang isang pulubi, si Aling Issy. Dahil sa nangyari, bibigyan niya ito ng pera. Nainsulto ang ma-pride na pulubi at isinumpa si Bernie, na matetegi raw next week!

Magkatotoo kaya ang sumpa? Pero may pangontra raw sa sumpa na ito, ano naman kaya ‘yon?

Nagtanong naman si PJ kina Jingo at Majay kung saan unang nagkakilala ang dalawa. Magkaiba ang sagot ng mag-asawa. Sabi ni Mama A, walang tumama kina Majay at Jingo. Tiyak, warla ito!

Kumusta naman ang paglilihi ni Mama A na habang lumalaon ay palala nang palala?

Maraming katanungan ang sasagutin ng Ismol Family this Sunday, abangan!

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

ADVERTISING