Nagmumura ang dibdib
Heart Evangelista, nagpapapansin sa pagpapa-sexy?!

ADVERTISING

<i>Nagmumura ang dibdib</i><br>Heart Evangelista, nagpapapansin sa pagpapa-sexy?!<i>Nagmumura ang dibdib</i><br>Heart Evangelista, nagpapapansin sa pagpapa-sexy?!

NAGPAPASEKSI NA pala si Heart Evangelista ngayon.

Heart appeared on the cover of a glossy magazine where she donned a bikini with a tee on top.

But what caught the attention of the readers was her nagmumurang boobs. Parang lumaki ang dibdib ni Heart and many were amused.

Not surprisingly, marami tuloy ang nag-react sa kanyang cover pictorial.

ADVERTISING

“Nilagyan ng cheeze ung boobs nya kaya lumaki!!!” wailed one guy.

“Nagpa boob job yan mtagal na,” tili naman ng isa.

“Photoshopped, super obvious. Hoho,” sabi naman ng isang reader.

Nagtataka lang kami, kung kailan naman nagging boyfriend ni Heart si senator Chiz Escudero ay ngayon pa siya nagpaseksi sa isang cover pictorial.

Bakit?

Nagpapapansin ba siya o gusto lang niyang ipangalandakan na sexy siya?

<i>Nagmumura ang dibdib</i><br>Heart Evangelista, nagpapapansin sa pagpapa-sexy?!

BAKA TULUYAN nang maging home of starlets itong GMA-7.

It appears kasi na isa-isa nang maglalayasan ang mga stars ng Kapuso network.

Una na rito si Lovi Poe na balitang-balita na lalayasan na ang Siyete. Panay nga ang guest nito sa kalabang istasyon ng GMA, ang ABS-CBN.

Naloka nga kami dahil biglang nag-trending topic ang appearance ni Lovi sa show ni Vice Ganda, bagay na hindi niya kailanman natikman noong nasa Siyete pa siya.

Si Marian Something ay nagpahiwatig na rin na gusto na niyang magtrabaho sa ibang network.

Kawalan ng utang ng loob ang tingin namin sa balak niyang ito. Sino ba ang nagpala sa kanya for the past seven years, hindi ba ang GMA-7? She was plucked from starlethood and was made a star by GMA. She was given the Primetime Queen moniker nga kahit na hindi naman talaga bagay sa kanya.

After she left Popoy Something’s management ay lalayasan na rin ni Marianita ang Siyete? What does it say about her?

Sabi ni Marian, marunong daw siyang tumanaw ng utang na loob. Has it taken a new meaning? Hindi namin alam na komedyante na pala si Marian ngayon.

Magpapagamot si Regine Velasquez ng kanyang lalamunan and she asked for a one month’s leave sa GMA-7.

Matagal-tagal palang gamutan ang sakit ni Songbird at posibleng hindi lang isang buwan ang kailanganin niyang bakasyon.

But there are also talks na susundan niya sa TV5 ang asawang si Ogie Alcasid na tuloy na tuloy na ang paglipat sa Singko.

With all these stars na tila lalayasan na ang Siyete, may matira pa kayang big stars sa Kapuso network?

‘Pag nagkataon, baka maging Starlet Kapuso Network na ang itawag sa kanila sa kawalan nila ng big stars.

What do you think?

 

BINASTOS PALA si Keempee de Leon ng mga Dabarkads niya sa Eat… Bulaga!.

Nabasa namin ang kanyang sentiment na inilabas ng isang entertainment website where he poured his heart out through his Instagram application.

“HK at night by the bay… walking n thinking… pissed off! May God forgive me. In this world u can never tell who ur REAL friends are. You thought they were good to u… pero with out u knowing Pinagkakaisahan ka na. I just HATE PEOPLE LOOKING at EACH OTHER ng PASIMPLE at NAGSESENYASAN at NANGUNGUSAP ang MGA MATA at ikaw ang PINAGSESENYASAN at PINAGKAKAISAHAN at PINAGUUSAPAN. Basta ako ang ALAM KO WALA AKONG GINAGAWANG MASAMA SA KANILA!!! IPAPASA DIYOS KO NA LANG SILANG LAHAT! At least ALAM ng DIYOS kung ANO ang SENYASAN NILA TUNGKOL SAKIN at GINAGAWA NILA. Basta ako naging TOTOO AKO sa kanilang lahat,” litany ni Keempee.

Sa dami ng mga kasamang Dabarkads ni Keempee sa Eat… Bulaga! ay sino kaya ang kanyang pinatutungkulan?

Ganyan ba kabastos ang mga Dabarkads?

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING