Nagkita sa parehong resto after ng awards night
Angel Locsin, binati ni Ate Guy sa pagkapanalo ng Best Actress trophy

ADVERTISING

<i>Nagkita sa parehong resto after ng awards night</i><br> Angel Locsin, binati ni Ate Guy sa pagkapanalo ng Best Actress trophy<i>Nagkita sa parehong resto after ng awards night</i><br> Angel Locsin, binati ni Ate Guy sa pagkapanalo ng Best Actress trophyYES, TAGUMPAY ang 29th PMPC Star Awards for Movies last Sunday night. Sa pangunguna ng mga hosts na sina Piolo Pascual, Iza Calzado at Kim Chiu. Nakamit nga ni Angel Locsin ang best actress trophy na walang ka-tie. At ganoon din sa pagka-best actor na naiuwi naman ni ER Ejercito.

Inaaasahan kasi ng iba na magkakaroon ng tie, pero hindi nga nangyari. Siyempre, kung sino ang ibinoto ng nakararami, ‘yun ang dapat mag-win. At naninindigan ang PMPC voting members sa kategoryang ito.

At balita nga namin, nagkita pa nga sina Angel at Nora Aunor after ng awards night sa Taste of LA sa may Roces Avenue. Nagkataon na pareho ng resto na pinuntahan ang dalawang aktres.

At ayon pa sa aming source, nagsabi pa raw itong si Ate Guy na sana ay magkaroon sila ng movie ni Angel.

Ang malaking tanong saan production? Pero knowing showbiz, in one wink, may nagbabago. Nasa ABS-CBN 2 kasi si Angel at nasa TV 5 si Nora.

ADVERTISING

At super kinungratyuleyt pa daw ni Ate Guy si Angel. Ibig sabihin, walang galit na namutawi kay Ate Guy kung tinalo man siya ng isang Angel Locsin.

Anyway, congrats Angel!

 

<i>Nagkita sa parehong resto after ng awards night</i><br> Angel Locsin, binati ni Ate Guy sa pagkapanalo ng Best Actress trophyPARA SA amin malakas ang sex appeal ng PBB Teens runner- up na si Roy Requejo, ang bagong anak-anakan namin  ngayon. Kaya sa mga gustong kunin siya para sa projects ay puwede rin po ninyo akong tawagan. Under pa rin siya ng Star Magic Talents at ng kaibigan na-ming si Jeff Ando.

Busy siya ngayon sa acting workshop, pagpapaganda ng katawan at para maging maayos ang skin ay ang La Estetica at ang nag-aalaga sa kanya ay si Dr. Almond Derla.

Sana ay sumikat siya dahil nga matiyaga naman itong morenong binata na ito na from Naga City.

Sa mga hindi pa nakakalaalam, si Roy ay ‘yung PBB teens na nag-contruction worker bago siya napasali sa said show.

Good luck, Roy! Sana naman huwag silang pabayaan ng kanilang mother network.

 

BLIND ITEM: Knows n’yo ba kung sino itong young actor na madalas daw magpahada sa isang spa. Dati ay siya ang nagpapahada, ngayon ay siya na ang humahada. Ang nakakalokah ay daks nga ang young actor.

Mukhang tama ang tsikang minsan isang araw ay tinanong siya ng kanyang moher ng, “Anak, are you gay?!” ‘Yun na!

Guwapo at maganda ang ka-tawan, may ka-rug pa nga ito na ang ibig sabihin ay may balahibong gumagapang sa kanyang pusod. ‘Yun na!

Hula na kung sino siya?

by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!

ADVERTISING