Nagkasabay sa kani-kaniyang photoshoot
Dingdong Dantes, ‘di nag-effort na batiin man lang si Karylle

ADVERTISING

<i>Nagkasabay sa kani-kaniyang photoshoot</i><br>Dingdong Dantes, ‘di nag-effort na batiin man lang si Karylle<i>Nagkasabay sa kani-kaniyang photoshoot</i><br>Dingdong Dantes, ‘di nag-effort na batiin man lang si KarylleISINUGOD SA ospital nitong Lunes lang ng umaga si Richard Yap o mas kilala bilang si Ser Chief sa kinakikiligang teleserye ng ABS-CBN na Be Careful With My Heart.

Agad din daw na-discharge ang aktor mula sa emergency room matapos matignan ng doktor at malapatan ng kaukulang lunas.

Pero balik-taping daw agad si Ser Chief ng kanilang teleserye pagkagaling sa ospital.

Sa kasipagan ng leading man ni Jodi Sta. Maria sa kanilang tapings at kaliwa’t kanang commitments, hindi malayong ma-overfatigue ito.

Pero nothing serious naman daw, ayon sa kanyang business manager na si Kate Valenzuela, kaya wala na raw dapat pang ipag-alala ang mga tagahanga ni Ser Chief.

ADVERTISING

 

NAGKASABAY ANG pictorial ni Karylle para sa Belo Medical Group billboard kung saan ipinakita nito ang kanyang sexy back at ni Dingdong Dantes para sa isang glossy magazine sa studios ng A1 photographer na si Jun de Leon sa Makati kamakailan lang.

Nauna lang ng ilang oras ang photoshoot ng singer-TV-host-actress sa ex-boyfriend nito.

Pero ipinaalam ng mga tao roon sa kanya na nasa kabilang studio lang si Dingdong na ikinangiti lang ni Karylle.

Sa pagpunta ni Karylle sa restroom sa labas ng studios, nakabatian pa nito ang team ni Dingdong, habang ang aktor ay kasalukuyang inaayusan sa make-up/ dressing room sa loob ng kabilang studio kung saan magaganap ang kanya namang photoshoot.

Pero hanggang sa matapos ang pictorial ni Karylle bago ito bumalik ng ABS-CBN para sa Gandang Gabi Vice guesting, hindi sila nagkita at nagkabatian ni Dingdong.

<i>Nagkasabay sa kani-kaniyang photoshoot</i><br>Dingdong Dantes, ‘di nag-effort na batiin man lang si KarylleInaasahan ng mga tao roon na baka sa huling sandali ay maisip puntahan ng boyfriend ni Marian Rivera ang ex-girlfriend nito since okey na silang tatlo at pare-pareho na silang mga naka-move on at masaya sa kani-kanilang buhay-pag-ibig, pero nagkamali ang lahat, dahil hindi iyon nangyari.

Marahil nag-iingat lang si Dingdong na baka pagmulan pa ng anumang issue kung sakaling pinuntahan niya si Karylle sa kabilang studio at binati.

Huling nagkita sina Karylle at Dingdong sa grand opening ng isang Belo Branch sa Serendra sa The Fort early this year at ayon sa una ay nag-hi naman daw sa kanya ang huli.

Natuwa rin ang It’s Showtime host sa gesture na ipinakita sa kanya ni Marian nang magkita sila nu’ng 50th anniversary celebration ni German “Kuya Germs” Moreno sa Resorts World, dahil nakangiti raw ang aktres sa kanya pagkatingin niya rito pagdating niya sa venue. “That speaks for itself,” sey ni karylle.

 

HOW TRUE na umalis na raw ng kanyang condo unit sa Makati si Heart Evangelista kung saan mayroon ding sariling unit ang mga magulang nito?

Hindi raw alam ng mga magulang ng Kapuso star kung saan ito nakatira ngayon.

Eh, si senator-elect Chiz Escudero kaya may idea kung saan lumipat ng tirahan ang kanyang girlfriend?

 

GAANO KAYA katotoo na humina raw ang rating ng Apoy sa Dagat nina Angelica Panganiban, Diether Ocampo at Piolo Pascual simula nang umere ang My Husband’s Lover nina Carla Abellana, Tom Rodriguez at Dennis Trillo sa GMA-7, ayon sa isang may mataas na posisyon sa Kapamilya Network?

May katotohanan din kaya na nagiging pasaway na raw si Angelica sa kanilang teleserye? Dagdag tsika pa rin ng nasabing ABS-CBN insider. Although walang kongkretong dahilan kung bakit o paano.

 Franz 2 U
by Francis Simeon

ADVERTISING