Nagkakasya na lang kay Mary Palmer
Billy Crawford, hindi magalaw ang GF na si Nikki Gil!

ADVERTISING

<i>Nagkakasya na lang kay Mary Palmer</i><br>Billy Crawford, hindi magalaw ang GF na si Nikki Gil!<i>Nagkakasya na lang kay Mary Palmer</i><br>Billy Crawford, hindi magalaw ang GF na si Nikki Gil!SUWERTE NI Billy Crawford at ang girlfriend niya na si Nikki Gil ay certified virgin!

Yes! Nikki is a 101% virgin at ibibigay lang niya ang kanyang pagkababae sa panahon na halos lahat ay liberated na sa mundo.

Walang gustong maniwala? Ows! Kung ang mga artista natin ngayon ay very liberated (image lang nila ang pa-tweetums at pa-conservative), ibahin natin si Nikki.

Ito lang ang maipagmamalaki niya na at her age, she’s still a certified virgin. Malaki ang respeto ni Nikki sa kanyang mga magulang na pinapaalalahanan siya na mahalaga ito para sa isang babae.

Playtime nga ng mga beki the other night sa isang donut house kung papaano nakatatagal ang boyfriend niya na sa edad ni Billy ay hot na hot.

ADVERTISING

Say ng isang beki na sa gabi, kasama ni Billy si Mary Palmer.

 

YEHEY! PREGGY si Iwa Moto at ang ama ay ang dating ex-husband ni Jodi Sta. Maria na si Pampi Lacson.

May future kapatid na si Thirdy (anak ni Jodi at Pampi) na tatawag sa kanya ng “kuya”.

 

MAGKANO KAYA ang ibinayad kay Coco Martin para iendorso ang anak ni Sen. Edgardo Angara na nangangarap na tawaging senador after the May 2013 election?

Kilala kaya ng aktor si Sonny na sumayaw pa sa It’s Showtime kamakailan para mapansin ng masa?

Pero sa totoo lang, cutie si Sonny. Pero mas cute si Coco na umeendorso sa kanya.

Balita namin,”kusang loob” daw ang pagsuporta ng aktor sa kumakandidato sa pagka-senador.

Pero ang tsismis, from insider from Sonny’s camp, tumataginting na P10 milyon ang pakimkim nito sa aktor.

Naniniwala ako sa suporta ni Coco sa mga taga-showbiz lalo na kay Richard Gomez na gumanap na ama niya sa Walang Hanggang na walang ex-deal, ‘ika nga. May pinagsamahan kasi ang dalawa sa teleserye.

Maging si Aga Muhlach, sinuportahan din ni Coco na sa pagsisimula ng kanyang pagpalaot sa mundo ng pulitika, ipinahayag nito na minsan, sasama siya sa kampanya ni Aga.

Speaking of Coco, nanood kami last Wednesday evening ng A Moment in Time sa Gateway Mall. Sabi ng takilyera kumikita ang pelikula. Cute ang dating ng pelikula sa amin, may kilig factor sila ni Julia.

 

WHATEVER HAPPENED to ABS-CBN newscaster Alex Santos?

Ilang umaga na naming siya hindi napapanood sa Umagang Kay Ganda sa Kapamilya Network.

Dati rati’y nakabalandra sa magandang umaga ang cute face ni Alex tuwing nagbibigay siya ng morning news kasabay nina Bernadette Sembrano at Anthony Taberna.

Is it true na tsugi na si Alex sa ABS-CBN?

Hindi ko na rin kasi siya nariring sa DZMM kapag nagbo-broadcast ng balita. We’ve heard something personal daw ang dahilan.

Hindi man lang napapag-usapan ng mga co-host niya sa UKG ang absence ni Alex sa show.

 

BLIND ITEM: No wonder na napapangiti na lang ang isang sikat na young actress kapag pilit siyang inili-link sa isang baguhang aktor.

Papaano ba naman, alam ni girl na baklita ang inili-link sa kanya. Kuwento ng isang malapit sa young actress, si young actor daw ang nagiging instant “fashion stylist” ni young actress na pati guhit ng eyeliner nito ay pinakikialaman ni young actor.

 

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING