NAGKABALIKAN! McCoy de Leon inaming pinahirapan muna ni Elisse Joson bago siya sinagot ulit

Leo Bukas
DIREKTANG inamin sa amin ni McCoy de Leon na nagkabalikan na sila ng dating girlfriend na si Elisse Joson. Naganap ang kanyang pag-amin sa interview namin sa aktor nung nag-courtesy call sila ni Xian Lim sa opisina ni Manila Mayor Isko Moreno last June 17, 2021.

Sina McCoy at Xian ang mga bida sa musial film na Yorme at pareho silang gumaganap ng character ni Isko sa pelikula.

NAGKABALIKAN! McCoy de Leon inaming pinahirapan muna ni Elisse Joson bago siya sinagot ulit
McCoy de Leon

“Ako po kasi yung tao na ayoko nung  merong di kasundo na nakakasama ko. Eh, sa sowbiz, magkakasama kami. Parehas po kami ng handler dati. Nag-sorry na lang ako. Nag-sorry ako sa kanya through direct message. Hanggang yun, hindi ako, hindi pa nag-reply konti, eh,” detalyadong kuwento ni McCoy kung paano nagsimula na maging okey ulit sila ni Elisse.

Bago pa nagsimula ang pandemic noong 2020 nang mag-send ng message kay Elisse si McCoy at humingi ng sorry.

“Kasi ang tagal ko siyang nakasama, eh. Tsaka mabait din  naman yung tao. Hindi naman  siya yung parang salbahe,” sabi niya.

Hindi raw agad nag-reply sa kanya ang dating girlfriend kaya medyo nag-worry pa siya.

Aniya, “Mga isang araw din siguro bago siya sumagot. Hindi ko sure. ‘Tas, nag-reply naman. Tapos, dire-diretso na po.

“Nakalimutan ko na kung ano yung naging reply niya, pero magaan naman. Hindi naman galit. Nakalimutan ko na eksakto pero ayun po.”

Na-miss ba niya si Elisse?

NAGKABALIKAN! McCoy de Leon inaming pinahirapan muna ni Elisse Joson bago siya sinagot ulit
McCoy de Leon and Elisse Joson

“Oo naman, na-miss ko po siya,” agad niyang tugon. “Pero yung time na yon talaga, ‘Uy, okey na tayo,’ parang ganun lang. Kasi parang, ayoko namang mamroblema. Ano, habang buhay kaming hindi mag-uusap? Eh, nagtuluy-tuloy na. Nagkataon din na ano,” bitin  niyang kuwento.

Pagkatapos ng kanilang palitan ng text messages ay nagsimula na raw ulit silang mag-date ni Elisse

“Nagkita kami sa isang lugar na kami lang. Nag-catch-up kami.  Masaya lang nung time na yon kasi  nakwento namin yung mga achievements namin. Yung mga na-invest namin, ‘Uy, eto meron kaming ganito.’ Ayun, kwentuhan lang. Tapos dire-diretso na,” kuwento ulit ng young actor.

Ayon pa kay McCoy, hindi raw naman nagbago ang nararamdaman niya kay Elisse kahit pa pansamantala silang nagkahiwalay.

“Hindi naman  nagbago. Maganda pa rin si Elisse talaga noon. Lalong gumanda. Kaya, siguro nasasabi ko hindi sa ganda, nung ano nga, nag-mature rin siya.

“Ayun, tama. Nag-mature rin siya. Nung nagkita kami, iba siya talaga,” lahad ng teenager na Isko sa Yorme.

Hindi naman masabi ni McCoy kung ano ang exact date nung muli siyang sagutin ni Elisse at ang kanilang bagong anniversary date. Ang tinuran lang ng binata ay matagal din ang hinintay niya bago napasagot si Elisse.

“Marami ring weeks. Kumbaga, back to zero  ako. Ganoon talaga,” lahad niyang  natatawa.

NAGKABALIKAN! McCoy de Leon inaming pinahirapan muna ni Elisse Joson bago siya sinagot ulit
Elisse Joson and McCoy de Leon

Ngayon ay maituturing na rin daw niya na mas nag-mature ang relasyon nila ni Elisse kumpara noon.

“Kasi kung hindi kayo nag-grow parang inulit mo lang yung mali, eh.  So, same, same. Maraming dapat ituwid. Pero importante  lang naging ano na, paano ba?  Akala namin dati matured na kami, hindi pala. May ima-mature papala kami.

“Hanggang ngayon, natututo na rin kami. At mas stronger siguro ngayon. Lagi kaming nag-uusap. Tuwing may dumadating na problema, pag-usapan.  Ang away namin ngayon parang ano lang, kyut kyut na lang,” masayang kuwento pa ni McCoy.