Nagbababad sa show at shooting Gerald Anderson, bantay-sarado si Sarah Geronimo?!

ADVERTISING

Nagbababad sa show at shooting Gerald Anderson, bantay-sarado si Sarah Geronimo?!

Nagbababad sa show at shooting Gerald Anderson, bantay-sarado si Sarah Geronimo?!

ADVERTISING

MUKHANG KAWALAN pala sa ABS-CBN si papa Derek Ramsay.

May nabalitaan kasi ka-ming nagpapahanap daw ang Dos ng talent na katipo ni Derek, ‘yung mala-hunk na may dating talaga. Apparently, malakas ang appeal ni Derek kaya naman they want to get another guy in the same mold as the boyfriend of Angelica Panganiban.

Actually, nabawasan lang ng leading man ang ABS-CBN pero hindi naman masyadong malaking kawalan talaga sa kanila si Derek. Marami pa naman silang male actors.

ADVERTISING

Ang sabi pa sa amin, nasobrahan na raw ang Dos sa mga bagets na stars kaya naman ang tipo ni Derek ang kanilang gustong i-manage at i-build up.

 

KUNG NOONG una ay hindi masyadong nagbababad sa taping ni Sarah Geronimo itong si Gerald Anderson, ngayon daw ay panay ang bantay nito sa dalaga.

Tama ba ‘yung nakarating sa aming nakababad sa taping ng Sarah G Live! Itong si Gerald?

At bukod pa roon, hindi pa raw ito kuntento. Madalas din daw itong dumalaw sa taping ng dalaga ng movie nila ni John Lloyd Cruz. Ito ‘yung third installment ng very successful nilang pelikula.

Nasanay na nga raw ang production staff sa presence ni Gerald sa shooting nila. Kasi ba naman, kung libre lang din si Gerald ay dumadaan talaga siya sa dalaga. Ang maganda nga raw sa binata ay may dala raw itong pagkain kay Sarah.

Interestingly, wala naman daw pala itong madir ni Sarah na si Mommy Divine. Botong-boto raw kasi ito sa binata.

Pero ang alam namin, matagal nang may relasyon ang dalawa, hindi lang nila maamin sa ngayon dahil magmumukhang mabilis ang mga pangyayari.

Nagbababad sa show at shooting Gerald Anderson, bantay-sarado si Sarah Geronimo?!

ANG DAMING batikos ang tinamo ng photos nina president Noynoy Aquino at TV host Grace Lee na nakunan nang manood sila ng concert ni Sergio Mendes kamakailan.

Ang sabi ng ilan, marami raw problema ang Pilipinas at dapat daw ay ito ang asikasuhin ng pangulo at hindi ang pakikipag-date.

Iisang punto lang ang sinasabi ng mga detractors ng ating presidente, ang mag-concentrate siya sa pagpapatakbo ng ating bansa.

It was as if nagpapabaya ang ating president, eh, sa tingin namin ay hindi naman.

Ano ba ang masama kung paminsan-minsan ay makipag-date ang pangulo? Unang-una, binata naman siya at dalaga naman si Grace Lee. Secondly, hindi naman niya ginagawa iyon sa oras ng trabaho so what’s the problem.

Ang mahirap lang sa sitwasyon ni P-Noy ay palaging binibigyan ng kahulugan ang bawa’t hakbang niya, parating sinisita as if naman ay pag-aari nila ang pangulo.

Hirap maging president, ‘no?
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING