NAG-POWERTRIP! BARBIE FORTEZA at JOSHUA DIONISIO, TSINUGI ANG YOUNG ACTOR NA HINDI NILA FEEL!

ADVERTISING

NAG-POWERTRIP! BARBIE FORTEZA at JOSHUA DIONISIO, TSINUGI ANG YOUNG ACTOR NA HINDI NILA FEEL! MULA sa blind item, pa-ngalanan na natin ang dalawang ‘feeling sikat’ at ‘super insecure’ na young starlets na nagawang magpatanggal ng kapwa-artista sa kanilang show na Nega, este, Nita Negrita. Sino ang dalawa? Si Barbie Forteza at ang ka-loveteam niyang si Joshua Dionisio.

Pagbali-baliktarin man ang istorya, ang ending, hindi pa rin maganda ang ginawa ng dalawa dahil hindi lang nila feel makasama, ipinatanggal na nila. Nasaan ang professionalism dito? Naramdaman ba ni Joshua na big threat sa kanya si Kristoffer Martin na tulad niya ay galing din sa ABS-CBN at magaling umarte, ipinatanggal nila ni Barbie sa show?

ADVERTISING

Magaling ang timing ng young starlets. A day before the story conference at pictorial, nag-announce sina Barbie at Joshua hindi sisipot dito kung nandoon si Kristoffer. At marahil ay no choice na ang production. Dalawa nga naman sila, kontra sa nag-iisang si Kristoffer, ang ending ito ang natsugi.

After Kristoffer, sino naman kaya ang ipatatanggal ng young starlets dahil ayaw nila itong makatrabaho? O, baka naman sa susunod, direktor na o  staff ang ipatatanggal ng dalawa?

‘Yan ang aabangan natin sa susunod na  power tripping ng young starlets na ito. At aba-ngan n’yo na lang din sa column ko ang iba pang kabulastugan nina Barbie at Joshua!

ADVERTISING

SIGURADONG kaabang-abang ang  ikalawang   episode ng Wanted dahil sa natatangi at walang kinatatakutan nitong pagpuksa sa  iba’t ibang ano-malya sa bansa. Patuloy sila sa paghahanap ng mga mapagsamantala at namemerwisyong tao, ordinaryo man, personalidad o kilala sa lipunan.

Pinangungunahan ni Raffy Tulfo, ang Wanted ay lalong mag-iinit ngayong Biyernes kunsaan isang bigating sticker ni ‘Mayor’ ang kumakalat at pinapabayaran umano sa mga tricycle drivers ng Marilao. Tuklasin ang kaganapang ito kasabay ng katakot-takot na reklamong inihain sa isang cargo forwarder na umano’y saksakan na nga ng kupad sa pagpapadala ng mga balikbayan boxes.

Huwag palampasin ang mga makapigil-hiningang mga eksenang ito pagkatapos ng Aksyon Journalismo sa TV5.

HANGGANG ngayon daw ay hindi pa rin nakaka-move on si Eugene Domingo sa kissing scene nila ni Richard Gutierrez sa pelikulang My Valentine Girls ng Regal Entertainment at GMA Films

Sey pa ni Eugene, ni sa hinagap ay hindi niya naisip na makakahalikan ang isa sa pinakasikat na matinee idol sa bansa, kaya naman daw mistulang nanalo siya sa sweepstakes nang maglapat ang mga labi nila ni Richard.

NAG-POWERTRIP! BARBIE FORTEZA at JOSHUA DIONISIO, TSINUGI ANG YOUNG ACTOR NA HINDI NILA FEEL! John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING