Nag-inarte sa production ng TV commercial: aktres, maldita na, mukha pang pera!

ADVERTISING

GRABE ANG ATTITUDE ng aktres na ito noong kanyang kasikatan. Parang wala lang sa kanya kung siya ay makapagmaldita.
Gumawa ng commercial ang hitad para sa inuming nakalalasing noon. Isang milyon ang kanyang talent fee, net of taxes. Ang usapan, 50 % ng kanyang talent fee ay makukuha niya before shooting the commercial and the remaining balance after the commercial shoot.
Okay naman ang first day shooting ng aktres. Magiliw siya sa lahat ng naroroon. Sa madaling salita, natapos ang shooting ng commercial niya ng walang aberya.
Two day shoot ang commercial. Noong second day, doon na nagmaldita ang hitad. Ayaw mag-shooting. She was demanding the production na ibigay na sa kanya ang remaining balance or else hindi siya aalis ng bahay para mag-shoot. And mind you, she wants it in cold cash! Kahit na ang manager niya ay walang magawa. Pinanindigan talaga ng aktres ang kanyang demand.
Siyempre, dahil nakatengga, gumawa ng paraan ang mga taga-production. Tinawagan ang agent na kumuha sa aktres. Nataranta ang agent. Kapag hindi kasi sumipot ang aktres ay malaki ang mawawala sa kanyang komisyon. By hook or by crook ay kailangang gumawa siya ng paraan para umapir ang aktres sa shooting.
Imagine, talagang pina-encash ng pobreng agent ang kalahating milyon at dinala niya ito sa bahay ng aktres. And to top it all, sumakay lang siya ng taxi kaya kabang-kaba siya na baka siya maholdap. Only then did the actress get out of her
house para mag-shoot.
Sino ang aktres? Well, magarbo na ang kanyang pamumuhay ngayon at ang isang milyong talent fee ay barya lang sa kanya.

(By Alex Brosas)

ADVERTISING
ADVERTISING