Nag-check-in sa NAIA nang naka-tsinelas at naka-shorts, nangangamoy pa ang paa!

ADVERTISING

PITIK-BULAG! MALOLOKA ako sa Earth! Sino na naman itong nakita sa NAIA the other week, na nag-check-in nang naka-tsinelas at naka-shorts lang?

Heto na at lumapit ang isang fan na magpapa-picture at magpapa-authograph. Nang papalapit na ang fan, ikinaskas niya ang kanyang paa sa gilid ng upuan at kinamot-kamot niya ang kanyang paa. ‘Yuck!

ADVERTISING

Nagtutubig pala ang feet, at mukhang ma-joho, kaya nawalan ng gana na magpa-picture ang fan na lumapit sa kanya, at sinabing ‘yuck, kadiri… ayoko na sa kanya, mukhang ma-joho kasi ang kanyang paa’.

Sinech itech? Sana makarating ito sa kanya para mag-advice ako na gumamit siya ng Tamanu Skin Aid… Haha! Pampaalis ng bacteria ‘yan, kaya gumamit ka n’yan.

(By Tita Swarding)

ADVERTISING
ADVERTISING