Nadine Samonte will be repackaged by TV5

ADVERTISING

 

Nadine Samonte will be repackaged by TV5

ADVERTISING

Nadine Samonte will be repackaged by TV5PUMIRMA NA NG three-year exclusive contract sa TV5 si Nadine Samonte, 5:00 pm last Friday, June 17, sa office ng istasyon sa Makati.

Si Nadine ang first network artist ng TV5, kaya aalagaan siya mula sa projects, talent fee, publicity at lahat ng aspeto para siya’y mas lumaki at humusay pang aktres.

Balitang ipapasok si Nadine sa Elite Modelling Agency para sa kanyang make-over, bibigyan siya ng sariling stylist at ire-repackage. Malayo raw sa dating hitsura ang makikita paglabas ni Nadine sa mga shows ng TV5 at tiyak na marami ang maninibago. Siyempre, far from her looks sa inalisang network, dito sa bago, bago rin.

ADVERTISING

Bida agad si Nadine sa The Sisters at balitang isang dating aktor mula sa Kapamilya ang makakapareha niya. Kasama rin sa kontrata niya ang gumawa ng pelikula at dahil co-producer ang Studio 5 ng Regal Entertainment, Inc., sa Metro Manila Film Festival entry na Yesterday, Today and Tomorrow, ‘di kami magugulat kung makasama rin siya sa mga bida ng pelikula.

Isa pang sorpresa ang naghihintay kay Nadine dahil isang pelikula pa ang pagsasamahan nila ng isang guwapo at sikat na aktor na kalilipat din lang sa Kapatid Network.

 

MUKHANG GULAT AT hindi pa malaman kung ano ang isasagot at sasabihin ni Rachelle Ann Go sa balitang split-up nila ni John Prats. Bagama’t inamin na nito sa Showbiz Central na break na sila ni John, tila may kulang pa rin at may hinahanap pa rin siyang kasagutan kung paano nangyaring tapos na pala ang relasyon nila ng dancer-actor.

Hindi naman kinakikitaan ng “bitterness” si Rachelle Ann sa pagsagot sa bawat tanong about her and her ex-BF pero ramdam mong kahit siya’y gulat at “shocked” sa nangyari na una pa niyang nalaman mula sa ibang tao at balitang thru text lang siya binreyk ni John.

Wala pa raw nangyayaring pag-uusap sa dalawa kaya wish namin ay magkaharap at maayos na mag-usap sila. Mas maganda kasi kung magtatapos ang isang relasyon na “okey”, afterall, sa isang masaya naman iyon nagsimula. Isa pa, parang wala sa image ni John ang ganu’ng attitude na basta na lang mang-iiwan ng babae. Remember, alam niya ang sakit ng iwanan dahil iniwan siya’t ipinagpalit ni Shaina Magdayao over John Lloyd Cruz, ‘di ba?

Maraming nakikisimpatiya kay Rachelle Ann, kaya sana John made the first move upang magkausap sila’t walang maging “nega” image sa kanya gaya ng nangyari sa mga lalaking nang-iwan ng babae. Tama? ‘Yun na!

 

WALANG MASYADONG INGAY pero natuloy rin pala ang concert ni Pops Fernandez sa Newport Performing Arts Theater, Resorts World Manila, pero balitang hindi raw ito tinao. Iilang beses nang na-postpone ito dahil sa matumal na bentahan ng tiket kasi raw naman ay pagkamamahal eh, nagkasunud-sunod pa ang dating ng mga sikat na foreign artist sa bansa, kaya du’n na lamang nila inilaan ang pagbili ng tiket, since first-timer at bihirang makapunta dito sa atin ang mga banyagang singers.

Pops In Fashion ang title ng show ni Pops at sa mga nanood, bongga naman daw ang mga gown na sinuot nito making Pops really standout pagdating sa magaganda at seksing kasuotan. Du’n naman sa performance ng “Concert Queen”, wala na raw bago and the usual, birit-biritan daw ito na hindi naman kinakaya ang tono. Ano ba iyon?

Pero ayon sa source namin, kahit daw kalahati lang ng venue ang tinao, todo-bigay pa rin daw si Pops sa pagpi-perform. Masaya raw ito at laging nagpapatawa, habang “total performer” ang drama sa mga kanta niya.

‘Yun nga lang, maliwanag pa sa sikat ng araw na kahit na ibinigay niya ng todo ang lahat-lahat sa performance niya, sorry to say, pero this time, nag-flop ang concert niya.

‘Yun na!

RAP EN ROL
By Ronald M. Rafer

ADVERTISING