Nadine Samonte, napahiya kay Nora Aunor!

ADVERTISING

Nadine Samonte, napahiya kay Nora Aunor!

Nadine Samonte, napahiya kay Nora Aunor!SA TAPING NG Sa Ngalan Ng Ina na slated to go on air sa October 3 after Wil Time, Big Time, nakausap din namin ang tumatayong personal manager ni Nora na si Kuya Boy Palma. Agad na nilinaw ni Kuya Boy ang mga mali-maling tsismis na kumakalat tungkol kay Nora, sa kanila (Kuya Germs, Suzette Ranillo at siya), at kay John Rendez.

Pahayag ni Kuya Boy, “Gusto ko lang i-clear na walang gulo sa amin nina Kuya Germs at Suzette. Alam namin ang trabaho namin eversince. Ako ang personal managar, si Suzette ang business manager at si Kuya Germs ang Overall Manager. Nagtampo si Kuya Germs, oo totoo iyon, pero naayos agad. Kasi, na-overwhelmed kami dahil Nora Aunor iyan, eh! Kumbaga, nagkakasunud-sunod ang mga meetings na minsan hindi na naipaparating kay kuya Germs. Pero ngayon, okey na. Pero hindi naman nagkakakagulo-gulo na may nagagalit na, hindi ganu’n.”

Sunod na kinlaro ni Kuya Boy ang ang tungkol sa balik-casino na naman daw ni ate Guy at mayroon pang nabanggit na pera like P300K daw na ipinatalo pa nito?

“Du’n, sobra ‘yun. ‘Yun talaga ang isang malaking kasinungalingan na ewan ba naman namin kung saan nanggagaling. Obviously, alam na natin na ang motibo ay sirain na naman si Guy. Tingnan n’yo ha, ang calltime ni Ate Guy sa taping, 4am, matatapos kami minsan 1am or 2am na. Hatid-sundo ko siya sa bahay at ‘pag inihahatid ko na siya after ng taping, patay na ang katawan niya. As in bagsak na’t tutulog na lang! Paano pa niyang magagawa ‘yung sinasabi nila?

ADVERTISING

“Sobra naman, eh! Makapanira lang ng tao kahit naman hindi na totoo eh, sinasabi nila, huwag namang ganu’n. Si Guy, mula nung dumating siya nung August 2, sunud-sunod ang trabaho kaya nga nagkakasakit na pero hindi pa rin tumitigil.”

Sa palagay kaya niya, sino kaya ang mga taong iyon na nagtatrabaho upang “sirain” si Ate Guy?

“Naku, kilala ko sila! Kilalang-kilala ko! Huwag na lang! Pati si John (Rendez), may isyu agad? Ni hindi nga nagpupunta rito ‘yun, eh! At saka walang problema si John sa mga bata. Minsan nga magkakakasama sila sa Eastwood. Si John, gumagawa rin ng effort upang makabawi sa mga bata, kasi mga bata pa sila nu’ng huli niyang Makita. Ngayon may mga asawa’t anak na, so , ibang-iba na ang bonding nila. Masaya sila, walang problema.

“Gusto lang magtrabaho ni John. Gusto niyang magkaroon ng pelikula o kaya sa TV. Mabait’ yung taong iyon. Dedma rin siya sa mga sinasabi sa kanya na ‘yung mga nagsasabi ng masama, hindi naman niya kilala o kilala siya. Sana bigyan natin siya ng chance. May talent naman siya. Medyo tumaba lang siya ngayon pero nagpapapayat na at baka nga magkaroon na siya ng project din sa nalalapit na panahon,” huling pahayag pa sa amin ni kuiya Boy.

Dinagdag pa ni kuya Boy na tuloy na tuloy na pala si ate Guy sa “Ho To Tay” (Mano Po 7) under Regal Films pero may gagawin pang project si Ate Guy sa ibang produksyon na ikakagulat daw natin kung sino ang makakasama ng Superstar.

‘Yun na!

 

TUNGKOL PA RIN sa Sa Ngalan Ng Ina, na-take 2 pala sa isang eksena with Nora si Nadine Samonte. Ito ay sa una nilang confrontation scene. Nawala raw si Nadine at nakalimutan ang linya niya. Hiyang-hiya raw si Nadine kay Ate Guy. Pero nang sumunod na mga eksena na nila, nakabawi na si Nadine at sumabay na sa husay ng Superstar.
Ang “nawiwindang” daw nang husto ay si Eula Caballerro na laging nininerbiyos sa mga eksena nito hindi lang kay Nora kundi pati na rin sa lahat ng kasama niyang artista. Halata raw na kabado lagi si Eula everytime na tatawagin na siya’t magti-take na. Paano nga naman, pawang mga mahuhusay na artista ang kasama niya samantalang siya’y nagsisimula pa lamang .
“Aminado po ako na talagang nininerbiyos po ako! Eh, sino ba naman po ba ang hindi eh, lahat sila maga-ling! Lalo na si Ms Nora Aunor! Rehearsal pa lang po ay bigay na bigay na siya tapos ‘pag take na sobra pa pala ang makikita mo sa gagawin niya! Ang husay talaga niya! Nag-iisa lang talaga ang ating Superstar Nora Aunor!”

Samantala, napag-alaman naming kung ang ibang teleserye ng TV5 sa pilot nito’y walang commercial break, naiiba naman ang Sa Ngalan Ng Ina dahil nabili na raw ng isang malaking advertising company kaya naman mapapanood ito na loaded na with commercial.

‘Yun na!

 

RAP EN ROL
By Ronald M. Rafer

ADVERTISING