Nadine Samonte may kakaibang maternity shoot

NAGING ‘normal’ na para sa mga celebrities na preggy na magkaroon ng pregnancy shoot. Madalas ay todo makeup sila at nakadamit na kita ang kanilang dinadala. Nagsisilbing remembrance kasi ito para sa mga momshie na gustong maalala ang yugtong ito ng kanilang buhay.

Nadine Samonte may kakaibang maternity shoot
Nadine Samonte

Iba naman ang konsepto ni Nadine Samonte para sa maternity shoot niya for her third baby. Naibalita na rin dito sa Pinoy Parazzi na hindi naging madali ang pagbubuntis ng former actress.

“I chose to have a pictorial like this why? Because lahat ng injections, bills, reseta, gamot lahat ng nakapaligid sa akin is the reality of having APAS and PCOS. I love being pregnant kahit mahirap kasi blessing ni Lord ito and I’ll be forever grateful na biniyayaan pa kami ng isa pa. Thank you Lord,” sambit nito.

Naging open si Nadine na meron siyang  polycystic ovary syndrome (PCOS), isang kondisyon na nakakaapekto sa hormonal levels ng isang babae. Idagdag pa na nakaranas din siya ng  antiphospholipid syndrome (APAS), na nakaapekto sa kanyang pagbubuntis.

Aminado na siya ay nag-gain ng weight, wala raw siyang paki kung sakaling may bumatikos sa kanyang timbang.

“I know after posting this madaming comments na negatve na sasabihin ang taba-taba ko na… Well that’s normal and lumalaki talaga ang ibang mommies tuwing nabubuntis. All I can say is I don’t care,”

“Ang dami kong pinagdaanan sa pagbubuntis ko and lahat ng ito super worth it. Madami gusto magkaanak at isa ako sa pinagpala kaya iniingtan ko ito. Sa mga gusto magkaanak ‘wag kayo mawalan ng pag-asa because ibibgay ni Lord sa tamang panahon,”  pagtatapos nito.