Nadine Samonte, laging uhaw sa mga labi ni Leandro Muñoz?!

Nadine Samonte, laging uhaw sa mga labi ni Leandro Muñoz?!

Nadine Samonte, laging uhaw sa mga labi ni Leandro Muñoz?!NAKAKALOKA NAMAN SINA Nadine Samonte at Leandro Muñoz para silang mga ahas na lingkisan nang lingkisan kahit saan at parang mga lorong tukaan nang tukaan kahit sa mga pampublikong lugar.
Hindi masamang magmahal, pero sana naman ay ilagay sa tamang lugar nina Nadine at Leandro ang kanilang mga ginawa dahil marami ang nakakakita sa kanila to think na artista sila na ginagawang mo-delo ng marami nating kababayan.

Totoong nasa modern age na tayo, hindi na uso ang Maria Clara at Crisostomo Ibarra. Pero sa aming pananaw, mas makabubuting gawin lang nina Nadine at Leandro ang pagiging sweeet nila sa mga lugar na akma sa mga taong nagmamahalan at hindi ‘yung nagkita lang sila sa backstage ay lingkisan to the max na.
Anyway, kung si Leandro ang tatanungin, sobrang saya niya sa pagkakaroon ng isang Nadine Samonte sa buhay dahil bukod sa maganda ay napakabait pa ng dalaga na amin namang sinasang-ayunan. Mabait talaga si Nadine at ito ‘yung klase ng artista na walang kiyeme sa buhay, lalo na kapag nakikipag-usap sa movie press. Hindi ito mahirap hingian ng interview, di tulad ng ibang artista na para bang ikamamatay nila kapag may kaharap silang movie press.

Marami ang nagsasabing tama ang naging desisyon ni Nadine na lumipat sa Singko dahil mula nang siya ay maging contract star ng TV5, dumami ang kanyang proyekto at naging kontrobersiyal siya. Pero teka, ang tanong: Uhaw nga ba lagi si Nadine sa mga labi ni Leandro?

NAGBANTA SI NORA Aunor na gusto raw niyang harapin talaga ‘yung ‘writer’ na walang sawang nagsusulat nang hindi maganda sa kanila ni John Rendez na obvious na ang tinutukoy ay si Miss Cristy Fermin. Si Ate Cristy ang sinabi ni Mama Guy na nasa Channel 5 na, kung saan ay exclusive contract pa naman siya ay bakit kung anu-ano raw ang mga naglalabasang negatibong balita at komento laban sa kanya at kay John mismo.
Sa bibig ng Superstar nagmula na noong panahon ng kanyang pagbagsak ay si John ang iilan sa mga taong hindi bumitiw sa kanya. Pero ang tanong, bakit nga ba bumagsak o biglang nawala sa industriya ang nag-iisang Superstar? Huwag na nating balikan ang nakaraan, dahil sabi nga, mas importante ang pagbangon kesa ang pagbagsak.

Totoo may karapatan si Mama Gay na magtampo o magalit sa sinumang bumabatikos sa kanya. Pero may karapatan din ang isang manunulat o kolumnista na ilahad ang kanyang saloobin lalo pa sa pagkakaalam niya ay tama.
Prangkahan. Kung isa kami sa mga close kay Nora, isa lang ang sa-sabihin namin sa kanya. Huwag nang intindihin ang mga batikos sa kanya, mas makabubuting harapin na lang niya ang mga showbiz commitments, dahil una at higit sa lahat, magaling siyang artista at kailangan siya ng industriya! Tsuk!

NATAWA NA LANG si Direk Paul Soriano sa balitang tumangging magpakasal sa kanya ang kasintahang si Toni Gonzaga dahil paanong mangyayari iyon gayong hindi pa naman niya inaalok ng kasal ang kasintahan?
Ayon kay Direk Paul, maganda at masaya ang relasyon nila ni Toni. Napag-uusapan nila ang kasal pero wala pa silang planong magpakasal, lalo na ang aktres, dahil sa dami ng showbiz commitments nito.

 

“Hindi naman ako nagmamadali. Kung kelan niya gusto, eh, ‘di sige,” pahayag ni Direk Paul, na nagsabi pa sa Pinoy Parazzi na kahit anong klaseng kasal daw ang gustuhin ni Toni ay pagsisikapan niya iyong ibigay.

“Ganu’n ko siya kamahal,” sabi pa ng guwapong direktor na ngayon ay endorser na ng Highlands Corned Beef.
Sa kabilang banda, ayon kay Direk Paul, noong una raw ay hindi siya sanay sa mga intriga. Pero since nang maging sila ni Toni, hindi na raw siya apektado sa mga publisidad na naglalabasan.

“Basta para sa amin ni Toni, ang importante ay mahal namin ang isa’t isa,” pagwawakas ng aming kausap.

More Luck
by Morly Alinio