Nadine Samonte ibinunyag na ang gender ng ikatlong anak

KAHIT NA hindi na aktibo sa paggawa ng TV and movie projects ang Starstruck alumna at Endless Love star na si Nadine Samonte, tila magiging aktibo na ito sa paggawa ng online content.

Kamakailan lang ay humingi ito ng dasal para sa pinagdaanan ng kanyang pamilya. Nagkaroon ng health issues ang kanyang asawang si Richard Chua at may complications ang kanyang pagbubuntis ngayon dahil na rin sa PCOS.

Nadine Samonte ibinunyag na ang gender ng ikatlong anak
Nadine Samonte

Mukhang nalampasan na ng Chua Family ang mga unos dahil very happy ang pamilya sa ginanap na online gender reveal para sa kanilang ikatlong anak na inupload noong August 22.

Sa 14-minute video na ito ay nagshare si Nadine ng kanyang mga cravings, na kakaiba kumpara sa kanyang first two pregancies kina Heather Sloane (four years old) at Austin Titus (two years old).

“I’m so excited kasi alam ko na kung ano yung gender. Hindi ko sinasabi kahit kanino kaya hindi nila alam.

“It’s so weird kasi kay Heather, gusto ko ng sweets. Kay Titus naman, gusto ko nang maasim, maanghang.

“‘Tapos dito sa third, lahat gusto ko. So unexpected at saka we are so blessed to have another child.

“Alam mo ‘yon, sa case ko, mahirap talaga. Pero we are so thankful pa rin talaga. Thank you, Lord, pa rin.”

 

Sa video ay sabay na hinila nina Nadine at Richard ang Pinata. Ang huling lobo na lumabas ay Pink, which means they’re having another Baby Girl!

Congratulations, Nadine and Richard!