Nadine Samonte humingi ng dasal para sa pinagdaraanan ng pamilya

KAHIT matagal nang hindi aktibo sa showbiz si Nadine Samonte ay marami pa rin ang interesado sa whereabouts niya. Nakilala siya muli ng bagong henerasyon dahil kasalukuyang pinapalabas ang reruns ng Endless Love kung saan siya ang kontrabida ni Marian Rivera.

Nadine Samonte humingi ng dasal para sa pinagdaraanan ng pamilya
Nadine Samonte and Family

Ikinasal si Nadine Samonte sa kanyang asawang si Richard Chua (anak ni Isabel Rivas) noong 2013 at kasalukuyang proud parents sa kanilang dalawang anak na sina Heather Sloane (2016) at Austin Titus (2019).

Sa kanyang Instagram post kahapon, August 3, ay humingi ng dasal ang dating aktres para sa kalusugan niya at ng kanyang pamilya.

“I’m kinda emotional right now. I don’t know what to say or do but I know everything will be fine. Kapit lang , prayers lang. ‘Trust in the Lord with all your heart and do not lean on your own understanding’ this is what I’m thinking for the past [weeks].”

“Yes we are going through a lot , hindi halata noh? Pero ngayon hindi ko mapigilan emotions ko, I need your prayers. This week will be very tough for me and the whole family.”

Sasailalim sa angiogram ang kanyang asawang si Richard habang ang panganay na anak niyang si Heather Sloane ay sasailalim sa isang eye surgery.

“Heather will have an eye surgery today and my husband will have his angiogram this week. You guys know na I’m struggling also with my pregnancy but here I am fighting and trying to be strong for them, for all of us.

“Crying on my own so they won’t see how I really feel. I wanna be strong for them. It’s so hard ‘pag family talaga. I’m really really emotional right now. I can’t stop my tears while typing this. Lord give me all the strength . I know we can do this with you.” pagtatapos nito.