‘I’VE BECOME BULLET PROOF’: Nadine Lustre, walang panahon sa mga bashers niya!

SINO KAYA ang nanlalait kay Nadine Lustre?

Ito ang tanong namin matapos makita ang series of tweets ng Wildest Dreams singer na tila sinasagot ang mga fans niya na patuloy na dumidepensa sa aktres laban sa mga bashers nito na hanggang ngayon ay hindi pa rin tumitigil.

Nang aming usisain, mukhang may kinalaman ang kanyang dance video sa TikTok para sa kanyang endorsement. May mga nanlalait diumano sa paraan ng pagsayaw nito na ni-like raw ng isa sa mga katrabaho nitong dancer. How true?

'I'VE BECOME BULLET PROOF': Nadine Lustre, walang panahon sa mga bashers niya!
Nadine Lustre

Ito raw ang dahilan kung bakit nanggagalaiti sa galit ang mga ever loyal fans ni Nadine at ng JaDine tandem.

Para siguro patahanin ang kanyang defenders ay nagpost na si Nadine ng kanyang saloobin na na mala-SONA ng pangulo ang dating. Chos!

“btw, 4.7m likes. couldn’t care less if it was people shitting on me. it gave good analytics.”

“or views. yall can chill now. no need to make bantay to defend. grateful for all of you”

“people are always so thirsty to shit on someone.”

Inamin din ni Nadine na mula noong bata pa lang siya ay biktima na siya ng bullying at nasanay na raw siya dito. Pero, paano raw ang mga taong hindi kasing-lakas niya?

“I’ve always been bullied since I was younger, so im totally used to it. I’ve become bullet proof. Im very much concerned for people who don’t have the same mental + emotional load as me.”

“but then at the end of the day, pretty sure there are reasons as to why people act a certain way.”

Naisingit din ni Nadine ang reality drag queen show na ‘Rupaul’s Drag Race’ kung saan may mga contestants na binubully ang ibang contestants.

'I'VE BECOME BULLET PROOF': Nadine Lustre, walang panahon sa mga bashers niya!
Nadine Lustre

“even the bullies in drag race eventually come clean at the end of the show. so girl, let’s talk.”

Hmmm… ang ‘girl’ kaya ay ang dancer na pinupunto ng mga fans ni Nadine?

Nang itanong ng isang fan, ‘bakit ang bait mo?’, ito ang sagot ni Nadine:

“because it takes a lot more time & effort to be unkind… and I have so much shxt to do.”

“I still bite sometimes. but im trying”

“no big deal”

“jk. still a btch. I just don’t have time”.

Baka busy si Nadine sa kanyang upcoming virtual concert na ang balita namin ay magaganap next month. Let us wish Nadine Lustre the best of luck para magtuloy-tuloy ang pagiging busy nito at mawalan talaga ng time sa mga ka-etchosan ng bashers niya.